All Islam Library

96 - The Clot - Al-`Alaq

:1

Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha,

:2

lumikha sa tao mula sa isang malalinta.

:3

Bumasa ka samantalang ang Panginoon mo ay ang Napakamapagbigay,

:4

na nagturo sa pamamagitan ng panulat,

:5

nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.

:6

Aba’y hindi! Tunay na ang tao ay talagang nagmamalabis

:7

dahil nakakita siya sa sarili niya na nakasapat.

:8

Tunay na tungo sa Panginoon mo ang pagbabalikan.

:9

Nakakita ka ba sa sumasaway

:10

sa isang lingkod kapag nagdasal ito?

:11

Nakakita ka ba kung siya ay nasa patnubay,

:12

o nag-utos ng pangingilag magkasala?

:13

Nakakita ka ba kung nagpasinungaling siya o tumalikod siya?

:14

Hindi ba siya nakaalam na si Allāh ay nakakikita?

:15

Aba’y hindi! Talagang kung hindi siya tumigil ay talagang hahablot nga Kami sa bumbunan:

:16

isang bumbunan na nagsisinungaling, nagkakamali.

:17

Kaya tumawag siya sa kapulungan niya.

:18

Tatawag Kami sa mga bantay [ng Impiyerno].

:19

Aba’y hindi! Huwag kang tumalima sa kanya, magpatirapa ka, at lumapit ka [kay Allāh].