95 - The Fig - At-Tīn
:1
Sumpa man sa igos at oliba,
:2
sumpa man sa kabundukan ng Sinai,
:3
sumpa man sa matiwasay na bayang ito;
:4
talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pinakamagandang paghuhubog.
:5
Pagkatapos nagpanauli Kami sa kanya sa pinakamababa sa mga mababa,
:6
maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sapagkat ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil.
:7
Kaya ano ang nagpapasinungaling sa iyo, matapos nito, sa Paggantimpala?
:8
Hindi ba si Allāh ay ang pinakahukom ng mga hukom?