97 - The Power - Al-Qadr
:1
Tunay na Kami ay nagpababa nito sa Gabi ng Pagtatakda.
:2
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Gabi ng Pagtatakda?
:3
Ang Gabi ng Pagtatakda ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan.
:4
Nagbababaan ang mga Anghel at ang Espiritu rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila kalakip ng bawat utos –
:5
kapayapaan ito – hanggang sa paglitaw ng madaling-araw.