All Islam Library

92 - The Night - Al-Layl

:1

Sumpa man sa gabi kapag bumabalot ito,

:2

sumpa man sa maghapon kapag nahayag ito,

:3

sumpa man sa pagkalikha sa lalaki at babae;

:4

tunay na ang pagpupunyagi ninyo ay talagang sarisari.

:5

Kaya tungkol naman sa sinumang nagbigay at nangilag magkasala,

:6

at nagpatotoo sa pinakamaganda;

:7

magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamadali.

:8

Tungkol naman sa sinumang nagmaramot at nag-akalang makapagsasarili,

:9

at nagpasinungaling sa pinakamaganda;

:10

magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamahirap.

:11

Ano ang maidudulot para sa kanya ng yaman niya kapag nabulid siya [sa Impiyerno]?

:12

Tunay na nasa Amin ay talagang ang pagpapatnubay.

:13

Tunay na sa Amin ay talagang ang Kabilang-buhay at ang Unang-buhay.

:14

Kaya nagbabala Ako sa inyo ng apoy na naglalagablab.

:15

Walang masusunog doon kundi ang pinakamalumbay,

:16

na nagpasinungaling at tumalikod.

:17

Paiiwasin doon ang pinakatagapangilag magkasala,

:18

na nagbibigay ng yaman niya habang nagpapakalinis [sa kasalanan]

:19

at hindi para sa isang mayroon siyang anumang biyayang gagantihan,

:20

bagkus sa paghahangad [ng ikalulugod] ng Mukha ng Panginoon niya, ang Pinakamataas.

:21

Talagang malulugod siya.