All Islam Library
1

Sumpa man sa araw at sa kaliwanagan nito,

2

sumpa man sa buwan kapag sumunod ito roon,

3

sumpa man sa maghapon kapag naglantad ito niyon,

4

sumpa man sa gabi kapag bumalot ito niyon,

5

sumpa man sa langit at sa pagpapatayo Niya nito,

6

sumpa man sa lupa at sa pagkalatag nito,

7

sumpa man sa isang kaluluwa at sa pagkahubog nito,

8

saka nagpatalos Siya rito ng kasamaang-loob nito at pangingilag magkasala nito;

9

nagtagumpay nga ang sinumang naglinis nito

10

at nabigo nga ang sinumang nagdumi nito.

11

Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd dahil sa pagmamalabis nito

12

nang sumugod ang pinakamalumbay nito.

13

Kaya nagsabi sa kanila ang sugo ni Allāh: "[Magpaubaya] sa dumalagang kamelyo ni Allāh at pag-inom nito."

14

Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya saka kinatay nila ito kaya nagsaklob [ng parusa] sa kanila ang Panginoon nila dahil sa pagkakasala nila saka nagpantay-pantay Siya rito [sa parusa].

15

Hindi Siya nangangamba sa pinakakahihinatnan nito.