All Islam Library

90 - The City - Al-Balad

:1

Talagang sumusumpa Ako sa bayang ito

:2

habang ikaw ay napahihintulutan sa bayang ito.

:3

Sumpa man sa isang nag-anak at sa inanak niya,

:4

talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pagpapakahirap.

:5

Nag-aakala ba siya na walang nakakakaya sa kanya na isa man?

:6

Magsasabi siya: "Umubos ako ng isang tambak na yaman."

:7

Nag-aakala ba siya na walang nakakita sa kanya na isa man?

:8

Hindi ba Kami gumawa para sa kanya ng dalawang mata,

:9

isang dila, at dalawang labi?

:10

Nagpatnubay Kami sa kanya sa dalawang daanan.

:11

Ngunit hindi kasi siya sumugod sa matarik na daan.

:12

Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang matarik na daan?

:13

[Ito ay] isang pagpapalaya sa isang alipin,

:14

o pagpapakain sa isang araw na may taggutom

:15

sa isang ulilang may pagkakamag-anak

:16

o sa isang dukhang may paghihikahos.

:17

Pagkatapos naging kabilang siya sa mga sumampalataya at nagtagubilinan ng pagtitiis at nagtagubilinan ng pagkaawa.

:18

Ang mga iyon ay ang mga kasamahan sa dakong kanan.

:19

Ang mga tumangging sumampalataya sa tanda Namin ay ang mga kasamahan sa dakong kaliwa.

:20

Sa ibabaw nila ay may apoy na nakataklob.