All Islam Library

89 - The Dawn - Al-Fajr

:1

Sumpa man sa madaling-araw,

:2

sumpa man sa Sampung Gabi,

:3

sumpa man sa tukol at gansal,

:4

sumpa man sa gabi kapag naglalakbay ito; [talagang gagantihan nga kayo.]

:5

Sa gayon kaya ay may panunumpa para sa may pang-unawa?

:6

Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa [liping] `Ād,

:7

na [lipi ni] Irām na may mga haligi,

:8

na hindi nilikha ang tulad ng mga iyon sa bayan,

:9

at sa [liping] Thamūd na pumutol ng mga malaking bato sa lambak;

:10

at kay Paraon na may mga tulos?

:11

[Silang lahat ay] ang mga nagmalabis sa bayan

:12

saka nagparami sila sa mga iyon ng katiwalian,

:13

kaya nagbuhos sa kanila ang Panginoon mo ng isang hagupit ng pagdurusa.

:14

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nasa pantambang.

:15

Kaya tungkol naman sa tao, kapag sumubok dito ang Panginoon nito saka nagparangal Siya rito at nagpaginhawa Siya rito, nagsasabi ito: "Ang Panginoon ko ay nagparangal sa akin."

:16

Tungkol naman sa kapag sumubok Siya rito saka naghigpit Siya rito sa panustos dito, nagsasabi ito: "Ang Panginoon ko ay humamak sa akin."

:17

Aba’y hindi! Bagkus hindi kayo nagpaparangal sa ulila

:18

at hindi kayo naghihimukan sa pagpapakain sa dukha.

:19

Kumakain kayo ng pamana nang pagkaing masidhi.

:20

Umiibig kayo sa yaman nang pag-ibig na labis.

:21

Aba’y hindi! Kapag dinurog ang lupa nang durog na durog,

:22

at dumating ang Panginoon mo at ang mga anghel nang hanay-hanay,

:23

at ihahatid sa Araw na iyon ang Impiyerno. Sa Araw na iyon ay magsasaalaala ang tao, at paano ukol sa kanya ang paalaala?

:24

Magsasabi siya: "O kung sana ako ay nagpauna [ng kabutihan] para sa buhay ko."

:25

Kaya sa araw na iyon ay walang isang magpaparusa ng pagdurusang dulot Niya

:26

at walang isang gagapos ng paggapos Niya.

:27

"O kaluluwang napapanatag,

:28

bumalik ka sa Panginoon mo nang nalulugod na kinalulugdan,

:29

saka pumasok ka sa mga lingkod Ko,

:30

at pumasok ka sa Paraiso Ko."