All Islam Library

93 - The Morning Hours - Ađ-Đuĥaá

:1

Sumpa man sa kaliwanagan [ng umaga],

:2

sumpa man sa gabi kapag lumukob ito;

:3

hindi namaalam sa iyo ang Panginoon mo at hindi Siya nasuklam.

:4

Talagang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa Unang-buhay.

:5

Talagang magbibigay sa iyo ang Panginoon mo kaya malulugod ka.

:6

Hindi ba nakatagpo Siya sa iyo na isang ulila kaya kumanlong Siya sa iyo?

:7

Nakatagpo Siya sa iyo na isang nalilingat kaya nagpatnubay Siya.

:8

Nakatagpo Siya sa iyo na isang naghihikahos kaya nagpasapat Siya.

:9

Kaya tungkol naman sa ulila ay huwag kang maniil.

:10

Tungkol naman sa nanghihingi ay huwag kang magtaboy.

:11

Tungkol naman sa kaugnay sa biyaya ng Panginoon mo ay magsaysay ka.