All Islam Library

82 - The Cleaving - Al-'Infiţār

:1

Kapag ang langit ay nabitak,

:2

at kapag ang mga tala ay naisabog,

:3

at kapag ang mga dagat ay isinambulat,

:4

at kapag ang mga libingan ay hinalukay;

:5

malalaman ng isang kaluluwa ang ipinauna niya at ipinahuli niya.

:6

O tao, ano ang nakadaya sa iyo hinggil sa Panginoon mo, ang Mapagbigay?

:7

[Siya] ang lumikha sa iyo, saka humubog sa iyo, saka nagpaangkop sa iyo.

:8

Sa alinmang anyo na niloob Niya ay bumuo Siya sa iyo.

:9

Aba’y hindi! Bagkus nagpapasinungaling kayo sa Paggantimpala.

:10

Tunay na sa inyo ay talagang may mga tagapag-ingat,

:11

na mararangal na mga tagasulat.

:12

Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo.

:13

Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan.

:14

Tunay na ang mga masamang-loob ay talagang nasa isang impiyerno.

:15

Masusunog sila roon sa Araw ng Paggantimpala.

:16

Sila palayo roon ay hindi mga makaliliban.

:17

Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Paggantimpala?

:18

Pagkatapos ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Paggantimpala?

:19

[Iyon ay] sa Araw na hindi makapagdudulot ang isang kaluluwa sa isang kaluluwa ng anuman at ang pag-uutos sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh.