All Islam Library

83 - The Defrauding - Al-Muţaffifīn

:1

Kapighatian ay ukol sa mga tagapag-umit-umit,

:2

na kapag nagpatakal sila sa mga tao ay nagpapalubos sila,

:3

at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila.

:4

Hindi ba nakatiyak ang mga iyon na sila ay mga bubuhayin

:5

para sa isang araw na sukdulan,

:6

sa araw na tatayo ang mga tao sa [harap ng] Panginoon ng mga nilalang?

:7

Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga masamang-loob ay talagang nasa Sijjīn.

:8

Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Sijjīn?

:9

Isang talaan na sinulatan.

:10

Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,

:11

na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Paggantimpala.

:12

Walang nagpapasinungaling doon kundi bawat tagalabag na makasalanan.

:13

Kapag binibigkas sa kanya ang mga tanda Namin ay nagsasabi siya: "Mga alamat ng mga sinauna!"

:14

Aba’y hindi! Bagkus, bumalot sa mga puso nila ang [mga pagsuway na] dati nilang nakakamit.

:15

Aba’y hindi! Tunay na sila, sa [pagkakita sa] Panginoon nila sa araw na iyon, ay talagang mga lalambungan.

:16

Pagkatapos tunay na sila ay talagang masusunog sa Impiyerno.

:17

Pagkatapos sasabihin sa kanila: "Ito ay ang dati ninyong pinasisinungalingan."

:18

Aba’y hindi. Tunay na ang talaan ng mga mabuting-loob ay talagang nasa `Illīyūn.

:19

Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang `Illīyūn?

:20

Isang talaan na sinulatan.

:21

Sasaksi rito ang mga [anghel na] inilapit.

:22

Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan,

:23

habang nasa mga supa na nakatingin.

:24

Makakikilala ka sa mga mukha nila ng ningning ng Kaginhawahan.

:25

Paiinumin sila mula sa isang dalisay na alak na ipininid.

:26

Ang panghuli nito ay musk, at alang-alang doon ay magtagisan ang mga magtatagisan.

:27

Ang lahok nito ay mula sa Tasnīm,

:28

isang bukal na iinom mula roon ang mga inilapit.

:29

Tunay na ang mga nagpakasalarin ay dati sa mga sumampalataya tumatawa.

:30

Kapag naparaan sila sa mga ito ay nagkikindatan sila.

:31

Kapag umuwi sila sa mga kapwa nila ay umuuwi sila na mga nagbibiro.

:32

Kapag nakakita sila sa mga ito ay nagsasabi sila: "Tunay na ang mga ito ay talagang mga ligaw."

:33

Hindi sila isinugo sa mga ito bilang mga tagapag-ingat.

:34

Kaya sa Araw na iyon ang mga sumampalataya ay sa mga tagatangging sumampalataya tatawa

:35

habang nasa mga supa na nakatingin.

:36

Gagantimpalaan kaya ang mga tagatangging sumampalataya ng anumang dati nilang ginagawa?