All Islam Library

81 - The Overthrowing - At-Takwīr

:1

Kapag ang araw ay ipinulupot,

:2

kapag ang mga bituin ay pumanglaw,

:3

kapag ang mga bundok ay iuusad,

:4

kapag ang mga buntis na kamelyo ay pinabayaan,

:5

kapag ang mga mailap na hayop ay kinalap,

:6

kapag ang mga dagat ay pinagliyab,

:7

kapag ang mga kaluluwa ay ipinagpares,

:8

kapag ang [batang] babaing inilibing nang buhay ay tatanungin

:9

dahil sa aling pagkakasala siya pinatay,

:10

kapag ang mga pahina ay inilatag,

:11

kapag ang langit ay tinuklap,

:12

kapag ang Impiyerno ay pinagliyab,

:13

at kapag ang Paraiso ay pinalapit;

:14

malalaman ng isang kaluluwa ang ilalahad nito.

:15

Kaya talagang sumusumpa Ako sa mga bituing umuurong,

:16

na umiinog na nagtatago,

:17

at sa gabi kapag bumalik-balik ito,

:18

at sa madaling-araw kapag huminga ito;

:19

tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang sinabi sa isang sugong marangal,

:20

na may lakas sa ganang May-ari ng Trono, na mataas sa kalagayan,

:21

na tinatalima, pagkatapos mapagkakatiwalaan.

:22

Ang kasamahan ninyo ay hindi isang baliw.

:23

Talaga ngang nakakita siya rito sa abot-tanaw na malinaw.

:24

Siya, [sa pagpapaabot] sa Lingid, ay hindi isang sakim.

:25

[Ang Qur’ān na] ito ay hindi sinabi ng isang demonyong kasumpa-sumpa.

:26

Kaya saan kayo pupunta?

:27

Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang

:28

para sa sinumang lumoob kabilang sa inyo na magpakatuwid,

:29

at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.