All Islam Library

80 - He Frowned - `Abasa

:1

Nagkunot-noo siya at tumalikod siya

:2

dahil dumating sa kanya ang bulag.

:3

Ano ang magpapabatid sa iyo na sa gayon siya ay magpapakalinis [sa kasalanan]

:4

o magsasaalaala para magpakinabang sa kanya ang paalaala?

:5

Tungkol sa nag-akalang nakasasapat,

:6

ikaw ay sa kanya nag-aasikaso.

:7

Hindi [pananagutan] sa iyo na hindi siya magpakalinis [sa kasalanan].

:8

Tungkol naman sa dumating sa iyo na nagpupunyagi

:9

habang siya ay natatakot [kay Allāh],

:10

ikaw ay sa kanya nagwawalang-bahala.

:11

Aba’y hindi! Tunay na ang mga [talatang] ito ay isang pagpapaalaala,

:12

kaya ang sinumang lumuob ay mag-aalaala siya nitong [Qur’ān].

:13

[Ito ay] nasa mga pahinang pinarangalan,

:14

na inangat na dinalisay,

:15

na nasa mga kamay ng mga [anghel na] tagatala,

:16

na mararangal na mabubuting-loob.

:17

Sumpain ang tao; anong palatangging sumampalataya nito!

:18

Mula sa aling bagay lumikha Siya nito?

:19

Mula sa isang patak lumikha Siya nito saka nagtakda Siya rito.

:20

Pagkatapos sa landas ay nagpadali Siya nito.

:21

Pagkatapos nagbigay-kamatayan Siya rito saka nagpalibing Siya rito.

:22

Pagkatapos kapag niloob Niya ay bubuhay Siya rito.

:23

Aba’y hindi! Hindi pa ito gumanap sa ipinag-utos Niya rito.

:24

Kaya tumingin ang tao sa pagkain nito –

:25

na Kami ay nagbuhos ng tubig sa isang pagbubuhos,

:26

pagkatapos bumitak Kami sa lupa sa isang pagpapabitak [para sa halaman],

:27

saka nagpatubo Kami rito ng mga butil,

:28

at ubas at kumpay,

:29

at oliba at datiles,

:30

at mga harding malago,

:31

at prutas at damo –

:32

bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.

:33

Ngunit kapag dumating ang Dagundong

:34

sa Araw na tatakas ang tao mula sa kapatid niya,

:35

at ina niya at ama niya,

:36

at asawa niya at mga anak niya.

:37

Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila sa Araw na iyon ay isang kaukulang sasapat sa kanya.

:38

May mga mukha sa Araw na iyon na nagliliwanag,

:39

na tumatawa na nagagalak.

:40

May mga mukha sa Araw na iyon na sa mga ito ay may alabok.

:41

May lulukob sa mga ito ng isang panglaw.

:42

Ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya na masasamang-loob.