All Islam Library

79 - Those who drag forth - An-Nāzi`āt

:1

Sumpa man sa mga [anghel na] nag-aalis [ng kaluluwa] sa isang paghatak,

:2

sumpa man sa mga [anghel na] humahablot sa isang paghunos,

:3

sumpa man sa mga [anghel na] lumalangoy sa isang paglangoy [na pababa-pataas],

:4

saka sa mga [anghel na] nag-uunahan sa isang pag-uunahan [sa pagtalima],

:5

saka sa mga [anghel na] nagpapatupad sa isang utos,

:6

sa araw na yayanig ang tagayanig,

:7

habang sumusunod dito ang kasunod.

:8

May mga puso sa araw na iyon na kakabug-kabog.

:9

Ang mga paningin ng mga ito ay nagpapakumbaba.

:10

Nagsasabi sila: "Tunay bang kami ay talagang mga pababalikin sa dating kalagayan?

:11

Kapag ba kami ay naging mga butong nabukbok?"

:12

Magsasabi sila: "Iyon samakatuwid ay isang pagbalik na lugi."

:13

Saka ito ay nag-iisang bulyaw lamang,

:14

saka biglang sila ay nasa balat ng lupa.

:15

Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises?

:16

Noong nanawagan sa kanya ang Panginoon niya sa pinabanal na lambak ng Ṭuwā:

:17

"Pumunta ka kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis.

:18

Saka magsabi ka: ‘Ibig mo kaya na magpakalinis ka

:19

at magpatnubay ako sa iyo tungo sa Panginoon mo para matakot ka [sa Kanya]?"

:20

Kaya nagpakita siya rito ng tandang pinakamalaki,

:21

ngunit nagpasinungaling ito at sumuway ito.

:22

Pagkatapos tumalikod ito na nagpupunyagi [laban kay Moises].

:23

Kaya kumalap ito [ng mga kawal] saka nanawagan

:24

saka nagsabi: "Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas."

:25

Kaya nagpataw rito si Allāh ng parusang panghalimbawa sa Kabilang-buhay at Unang-buhay.

:26

Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa sinumang natatakot [kay Allāh].

:27

Kayo ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang langit, na ipinatayo Niya?

:28

Nag-angat Siya ng tuktok nito at humubog Siya nito.

:29

Nagpakulimlim Siya ng gabi nito at nagpalabas Siya ng kaliwanagan nito.

:30

Sa lupa, matapos niyon, ay naglagak Siya nito.

:31

Nagpalabas Siya mula rito ng tubig nito at pastulan nito.

:32

Sa mga bundok ay nag-angkla,

:33

bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.

:34

Ngunit kapag dumating ang Tagapag-umapaw na Pinakamalaki –

:35

sa Araw na magsasaalaala ang tao sa pinagpunyagian niya

:36

at itatanghal ang Impiyerno para sa sinumang makakikita –

:37

hinggil sa sinumang nagmalabis

:38

at nagtangi sa buhay na pangmundo,

:39

tunay na ang Impiyerno ay ang kanlungan;

:40

at ang sinumang nangamba sa pagtayo sa [harap ng] Panginoon niya at sumaway sa sarili laban sa pithaya,

:41

tunay na ang Paraiso ay ang kanlungan.

:42

Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang pagdaong niyon?

:43

Nasa ano ka para bumanggit niyon?

:44

Tungo sa Panginoon mo ang pagwawakasan niyon.

:45

Ikaw ay isang tagapagbabala lamang ng sinumang natatakot doon.

:46

Para bang sila, sa Araw na makikita nila iyon, ay hindi namalagi maliban sa isang hapon o isang umaga nito.