All Islam Library

78 - The Tidings - An-Naba

:1

Tungkol sa ano nagtatanungan sila?

:2

Tungkol sa balitang dakila,

:3

na sila kaugnay rito ay mga nagkakaiba-iba.

:4

Aba’y hindi! Makaaalam sila.

:5

Pagkatapos aba’y hindi! Makaaalam sila.

:6

Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang nakalatag

:7

at sa mga bundok bilang mga tulos?

:8

Lumikha Kami sa inyo na magkapares.

:9

Gumawa Kami sa pagtulog ninyo bilang pamamahinga.

:10

Gumawa Kami sa gabi bilang kasuutan.

:11

Gumawa Kami sa maghapon bilang pinaghahanap-buhayan.

:12

Nagpatayo Kami sa ibabaw ninyo ng pitong matindi.

:13

Gumawa Kami ng isang sulo na palaliyab.

:14

Nagpababa Kami mula sa mga dagim ng isang tubig na bumubuhos

:15

upang magpalabas Kami sa pamamagitan nito ng mga butil at halaman

:16

at mga harding magkakapulupot.

:17

Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay isang takdang oras

:18

sa Araw na iihip sa tambuli saka pupunta kayo na pulu-pulutong.

:19

Bubuksan ang langit saka ito ay magiging mga pintuan.

:20

Iuusad ang mga bundok saka ang mga ito ay magiging isang malikmata.

:21

Tunay na ang Impiyerno ay magiging isang pantambang,

:22

na para sa mga tagapagmalabis ay isang uwian,

:23

na mga mamamalagi roon sa mga yugto.

:24

Hindi sila makatitikim doon ng isang lamig ni isang inumin,

:25

maliban sa isang nakapapasong tubig at isang nana

:26

bilang ganting angkop.

:27

Tunay na sila dati ay hindi nag-aasam ng isang pagtutuos.

:28

Nagpasinungaling sila sa mga tanda Namin nang isang [tahasang] pagpapasinungaling.

:29

Sa bawat bagay ay nag-isa-isa Kami sa isang talaan.

:30

Kaya lumasap kayo sapagkat hindi Kami magdaragdag sa inyo kundi ng isang pagdurusa.

:31

Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay isang pagtatamuan

:32

ng mga hardin at mga ubasan,

:33

ng mga dalagang mabibilog ang dibdib, na mga magkasinggulang,

:34

at ng kopang pinuno.

:35

Hindi sila makaririnig doon ng isang kabalbalan ni isang pagsisinungaling,

:36

bilang ganti mula sa Panginoon mo, bilang bigay na sulit

:37

[mula sa] Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Napakamaawain; hindi sila nakapangyayari sa Kanya sa isang pakikipag-usap.

:38

Sa Araw na tatayo ang Espiritu at ang mga anghel nang nakahanay, hindi sila magsasalita maliban sa sinumang nagpahintulot para roon ang Napakamaawain at magsasabi iyon ng tumpak.

:39

Iyon ay ang Araw na totoo; kaya ang sinumang lumuob gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang uwian.

:40

Tunay na Kami ay nagbabala sa inyo ng isang pagdurusang malapit sa Araw na titingin ang tao sa anumang ipinauna ng mga kamay niya at magsasabi ang tagatangging sumampalataya: "O kung sana ako ay naging alabok!"