All Islam Library

77 - The Emissaries - Al-Mursalāt

:1

Sumpa man sa mga [hanging] isinusugo nang sunud-sunod,

:2

saka sa mga [hanging] bumubugso sa isang pagbugso;

:3

sumpa man sa mga [anghel na] nagkakalat [ng ulan] sa isang pagkakalat,

:4

saka sa mga [anghel na] nagbubukod sa isang pagbubukod,

:5

saka sa mga [anghel na] naghahatid ng isang paalaala

:6

bilang pagdadahilan o bilang pagbabala;

:7

tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang magaganap.

:8

Kaya kapag ang mga bituin ay pinawi,

:9

kapag ang langit ay biniyak,

:10

kapag ang mga bundok ay pinalis,

:11

at kapag ang mga sugo ay tinaningan,

:12

para sa aling araw inantala sila?

:13

Para sa Araw ng Pagpapasya.

:14

Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagpapasya?

:15

Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

:16

Hindi ba Kami nagpahamak sa mga sinauna?

:17

Pagkatapos nagpasunod Kami sa kanila ng mga huli.

:18

Gayon ang ginagawa Namin sa mga salarin.

:19

Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

:20

Hindi ba Kami lumikha sa inyo mula sa likidong hamak,

:21

saka naglagay Kami niyon sa isang pamamalagiang matibay

:22

hanggang sa isang panahong nalalaman?

:23

Saka nagtakda Kami, saka kay inam ang Tagapagtakda!

:24

Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

:25

Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang ipunan

:26

ng mga buhay at ng mga patay?

:27

Naglagay Kami rito ng mga matatag na bundok na matatayog at nagpainom Kami sa inyo ng isang tubig tabang.

:28

Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

:29

[Sasabihin]: "Humayo kayo tungo sa [pagdurusang] dati ninyong pinasisinungalingan.

:30

Humayo kayo tungo sa aninong may tatlong sangay,

:31

na hindi panlilim ni makapagpapakinabang laban sa liyab."

:32

Tunay na ito ay nagtatapon ng mga alipato na gaya ng palasyo.

:33

Para bang ang mga ito ay mga itim na kamelyong naninilaw.

:34

Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

:35

Ito ay Araw na hindi sila bibigkas,

:36

at hindi magpapahintulot sa kanila para magdahi-dahilan sila.

:37

Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

:38

Ito ay Araw ng Pagpapasya; magtitipon Kami sa inyo at sa mga sinauna.

:39

Kaya kung nagkaroon kayo ng isang pakana ay magpakana kayo laban sa Akin.

:40

Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

:41

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga lilim at mga bukal,

:42

at mga prutas mula sa anumang ninanasa nila.

:43

[Sasabihin]: "Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyong ginagawa."

:44

Tunay na Kami ay gayon gaganti sa mga tagagawa ng mabuti.

:45

Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

:46

[Sasabihin]: "Kumain kayo at magtamasa kayo nang kaunti; tunay na kayo ay mga salarin."

:47

Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

:48

Kapag sinabi sa kanila: "Yumukod kayo," hindi sila yumuyukod.

:49

Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

:50

Kaya sa aling pag-uusap matapos nito sasampalataya sila?