All Islam Library

55 - The Beneficent - Ar-Raĥmān

:1

Ang Napakamaawain

:2

ay nagturo ng Qur'ān,

:3

lumikha ng tao,

:4

nagturo rito ng paglilinaw.

:5

Ang araw at ang buwan ay ayon sa pagtutuus-tuos.

:6

Ang bituin at ang punong-kahoy ay nagpapatirapa.

:7

Ang langit ay inangat Niya ito at inilagay Niya ang timbangan

:8

upang hindi kayo magmalabis sa timbangan.

:9

Magpanatili kayo ng pagtitimbang ayon sa pagkamakatarungan at huwag kayong manlugi sa timbangan.

:10

Ang lupa ay inilagay Niya para sa mga kinapal.

:11

Dito ay may bungang-kahoy at ang mga datiles na may mga saha,

:12

at ang mga butil na may mga uhay at ang mga mabangong halaman.

:13

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:14

Lumikha Siya ng tao mula sa kumakalansing na luwad gaya ng palayukan.

:15

Lumikha Siya sa jinn mula sa walang usok na liyab ng apoy.

:16

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:17

[Siya] ang Panginoon ng dalawang silangan at ang Panginoon ng dalawang kanluran.

:18

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:19

Nagpaugnay Siya sa dalawang dagat habang nagtatagpo.

:20

Sa pagitan ng dalawang ito ay may isang hadlang na hindi nilalampasan ng dalawang ito.

:21

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:22

Lumalabas mula sa dalawang ito ang mga mutya at ang mga koral.

:23

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:24

Sa Kanya ang mga daong na mga nakataas [ang mga layag] sa dagat gaya ng mga bundok.

:25

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:26

Bawat sinumang nasa ibabaw nito ay malilipol.

:27

Mananatili naman ang mukha ng Panginoon mo, ang may pagpipitagan at pagpaparangal.

:28

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:29

Nanghihingi sa Kanya ang sinumang nasa mga langit at lupa; sa bawat araw Siya ay nasa isang nauukol.

:30

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:31

Mag-aatupag Kami para sa inyo, O dalawang mabigat.

:32

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:33

O katipunan ng jinn at tao, kung nakaya ninyo na lumagos sa mga purok ng mga langit at lupa ay lumagos kayo. Hindi kayo lalagos kundi sa pamamagitan ng isang kapangyarihan.

:34

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:35

May isusugo sa inyong dalawa na isang purong lagablab ng apoy at isang [lusaw na] tanso, kaya hindi kayong makapag-aadyaan.

:36

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:37

Saka kapag nabiyak ang langit saka ito ay naging kulay rosas gaya ng kumukulong langis.

:38

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:39

Kaya sa araw na iyon ay walang magtatanong, tungkol sa pagkakasala nito, na isang tao ni isang jinn.

:40

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:41

Makikilala ang mga salarin sa mga tatak nila, saka dadaklutin sila sa mga buhok ng noo at mga paa.

:42

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:43

Ito ay ang Impiyerno na nagpapasinungaling dito ang mga salarin.

:44

Iikot sila sa pagitan nito at ng nakapapasong tubig.

:45

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:46

Ukol sa sinumang nangamba sa katayuan sa Panginoon niya ay dalawang hardin.

:47

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:48

[Ang mga ito ay] may maraming sanga.

:49

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:50

Sa dalawang ito ay may dalawang bukal na dumadaloy.

:51

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:52

Sa dalawang ito, bawat prutas ay magkapares.

:53

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:54

Mga nakasandal sa mga supa na ang aporo ng mga ito ay mula sa makapal na sutla at ang ani ng dalawang hardin ay naabot.

:55

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:56

Sa mga iyon ay may mga babaing naglilimita ng sulyap, na walang nakipagtalik sa mga ito na isang tao bago nila ni isang jinn.

:57

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:58

Para bang sila ay mga rubi at mga koral.

:59

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:60

Ang ganti kaya sa paggawa ng maganda ay iba pa sa paggawa ng maganda?

:61

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:62

Sa paanan ng dalawang ito ay may dalawang hardin.

:63

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:64

Matingkad na luntian [ang dalawang ito].

:65

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:66

Sa dalawang ito ay may dalawang bukal na bumubuga.

:67

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:68

Sa dalawang ito ay may prutas, mga punong datiles, at mga granada.

:69

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:70

Sa mga ito ay may mga babaing mabubuti na magaganda.

:71

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:72

May mga dilag na mga nakalimita sa mga kubol.

:73

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:74

Walang nakipagtalik sa mga ito na isang tao bago nila ni isang jinn.

:75

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:76

Mga nakasandal sa mga almohadon na luntian at mga kutson na magaganda.

:77

Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

:78

Napakamapagpala ang pangalan ng Panginoon mo, ang may pagpipitagan at pagpaparangal.