All Islam Library

54 - The Moon - Al-Qamar

:1

Napalapit ang Huling Sandali at nabiyak ang buwan.

:2

Kung makakikita sila ng isang himala ay aayaw sila at magsasabi sila: "Isang panggagaway na nagpapatuloy."

:3

Nagpasinungaling sila at sumunod sila sa mga pithaya nila. Bawat bagay ay mananahan.

:4

Talaga ngang dumating sa kanila mula sa mga balita ang may pantaboy.

:5

Isang masidhing karunungan, ngunit hindi nakapagpapakinabang ang mga mapagbabala.

:6

Kaya tumalikod ka sa kanila sa araw na mananawagan ang tagapanawagan tungo sa isang bagay na kakila-kilabot.

:7

Habang mga nagpapakumbaba ang mga paningin nila, lalabas sila mula sa mga pinaglibingan na para bang sila ay mga balang na kumakalat,

:8

na mga kumakaripas patungo sa tagatawag. Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay isang araw na mahirap.

:9

Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Namin at sinabihan nilang baliw at ipinagtabuyan siya.

:10

Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya: "Tunay na ako ay nadaig kaya mag-adya Ka."

:11

Kaya nagbukas Kami ng mga pinto ng langit na may tubig na bumubuhos.

:12

Nagpabulwak Kami sa lupa ng mga bukal, saka nagtagpo ang tubig [ng langit at lupa] ayon sa isang utos na itinakda.

:13

Nagdala Kami sa kanya sa [daong na] may mga tabla at mga pako.

:14

Naglalayag ito sa [pagsusubaybay ng] mga mata Namin bilang ganti para sa dating tinanggihang sampalatayanan.

:15

Talaga ngang nag-iwan Kami nito bilang tanda, kaya may tagapag-alaala kaya?

:16

Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

:17

Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya?

:18

Nagpasinungaling ang [liping] `Ād, kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

:19

Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng isang hanging pagkalamig-lamig sa isang araw ng isang kasawiang-palad na nagpatuloy.

:20

Humuhugot ito sa mga tao na para bang sila ay mga tuod ng mga punong datiles na nasungkal.

:21

Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

:22

Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala, kaya may tagapagsaalaala ba?

:23

Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa mga babala.

:24

Kaya nagsabi sila: "Sa isang tao ba kabilang sa amin na nag-iisa susunod kami? Tunay na kami, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw at isang pagkaulol.

:25

Iniukol ba ang paalaala sa kanya sa gitna namin? Bagkus siya ay isang palasinungaling na hambog."

:26

Makaaalam sila bukas kung sino ang palasinungaling na hambog.

:27

Tunay na Kami ay magsusugo ng dumalagang kamelyo bilang tukso para sa kanila, kaya mag-antabay ka sa kanila at magtiyaga ka.

:28

Magbalita ka sa kanila na ang tubig ay binabahagi sa pagitan nila; bawat pag-inom ay halinhinan.

:29

Ngunit nanawagan sila sa kasamahan nila, kaya kinuha nito [iyon] at kinatay nito.

:30

Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

:31

Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng hiyaw na nag-iisa kaya sila ay naging gaya ng mga tuyot na sanga ng nagkukural.

:32

Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala, kaya may tagapagsaalaala ba?

:33

Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga babala.

:34

Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng mga bato maiban sa mag-anak ni Lot; nagligtas Kami sa kanila sa huling bahagi ng gabi

:35

bilang pagpapala mula sa ganang Amin. Gayon Kami gumaganti sa sinumang nagpasalamat.

:36

Talaga ngang nagbabala siya sa kanila ng pagsunggab Namin ngunit nag-alinlangan sila sa mga babala.

:37

Talaga ngang humiling sila sa kanya [na manghalay] sa panauhin niya kaya pumawi Kami sa mga mata nila, [na nagsasabi:] "Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko."

:38

Talaga ngang may sumapit sa kanila sa umaga na isang pagdurusang nananahan.

:39

Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko.

:40

Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya?

:41

Talaga ngang dumating sa mga alagad ni Paraon ang mga babala.

:42

Nagpasinungaling sila sa mga tanda Namin sa kabuuan ng mga ito kaya dumaklot Kami sa kanila ng pagdaklot ng isang Makapangyarihan, isang Kumakaya.

:43

Ang mga tagatangging sumampalataya ninyo ba ay higit na mabuti kaysa sa mga iyon o mayroon kayong kawalang-kaugnayan sa [pagdurusang nasaad sa] mga kasulatan?

:44

O nagsasabi sila: "Kami ay katipunang naiaadya?"

:45

Matatalo ang pagkakabuklod at magbabaling sila ng mga likod.

:46

Bagkus ang Huling Sandali ay ang tipanan nila at ang Huling Sandali ay higit na masaklap at higit na mapait.

:47

Tunay na ang mga salarin ay nasa isang pagkaligaw at isang pagdurusa.

:48

Sa araw na kakaladkarin sila sa Apoy sa [pagkasubsob ng] mga mukha nila [ay sasabihin]: "Lumasap kayo ng saling ng [impiyernong] Init!"

:49

Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.

:50

Walang iba ang utos Namin kundi nag-iisa gaya ng kisap ng paningin.

:51

Talaga ngang nagpahamak Kami ng mga kakampi ninyo, kaya may tagapag-alaala kaya?

:52

Bawat bagay na ginawa nila ay nasa mga kasulatan.

:53

Bawat maliit at malaki ay nakatitik.

:54

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga ilog,

:55

sa upuan ng katapatan sa piling ng Haring Kumakaya.