All Islam Library

56 - The Inevitable - Al-Wāqi`ah

:1

Kapag naganap ang Magaganap,

:2

para sa pagkaganap nito ay walang isang tagapagpasinungaling,

:3

na magbababa, mag-aangat.

:4

Kapag inalog ang lupa sa isang pag-aalog

:5

at dinurog ang mga bundok sa isang pagdurog,

:6

kaya magiging alikabok na kumakalat.

:7

Kayo ay magiging tatlong uri.

:8

Kaya ang mga kasamahan sa dakong kanan, ano ang mga kasamahan sa dakong kanan?

:9

Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa, ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?

:10

Ang mga tagapanguna [sa kabutihan] ay ang mga tagapanguna [sa Paraiso].

:11

Ang mga iyon ay ang mga inilapit [kay Allāh]

:12

sa mga hardin ng kaginhawahan.

:13

Isang pangkat mula sa mga nauna

:14

at kaunti mula sa mga nahuli,

:15

sa mga kamang pinalamutian,

:16

na mga nakasandal sa mga ito habang mga naghaharapan.

:17

May iikot sa kanila na mga batang lalaki na mga pinamalaging [bata],

:18

na may mga baso, mga pitsel, at isang kopa mula sa isang alak na dumadaloy,

:19

na hindi sila pasasakitan [sa ulo] dahil sa mga ito at hindi sila lalanguin,

:20

at bungang-kahoy mula sa pinili-pili nila,

:21

at karne ng ibon kabilang sa ninanasa nila,

:22

at may mga dilag na magaganda ang mga mata,

:23

na gaya ng mga tulad ng mga mutyang itinatago,

:24

bilang ganti sa dati nilang ginagawa.

:25

Hindi sila makaririnig doon ng kabalbalan ni ng pagpapakasalanan

:26

maliban sa pagsasabi ng kapayapaan, kapayapaan!

:27

Ang mga kasamahan sa dakong kanan, ano ang mga kasamahan sa dakong kanan?

:28

[Sila ay] nasa mga [punong] Sidrah na pinutulan [ng mga tinik]

:29

at mga [punong] saging na nagkapatung-patong [ang mga bunga],

:30

at sa lilim na inilatag,

:31

at tubig na pinadaloy,

:32

at prutas na marami,

:33

hindi pinuputol at hindi hinahadlangan,

:34

at sa mga higaan iniangat.

:35

Tunay na Kami ay nagpaluwal sa kanila sa isang pagpapaluwal,

:36

saka gumawa Kami sa kanila na mga birhen,

:37

na malalambing na magkakasinggulang,

:38

para sa mga kasamahan sa kanan.

:39

Isang pangkat mula sa mga nauna

:40

at isang pangkat mula sa mga nahuli.

:41

Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa, ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?

:42

[Sila ay] nasa nakapapasong hangin at nakapapasong tubig,

:43

at isang lilim ng isang usok na pagkaitim-itim,

:44

hindi malamig at hindi marangal.

:45

Tunay na sila dati bago niyon ay mga pinariwasa.

:46

Sila dati ay nagpupumilit ng kabuktutang sukdulan.

:47

Sila dati ay nagsasabi: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin,

:48

at ang mga ninuno naming sinauna?"

:49

Sabihin mo: "Tunay na ang mga sinauna at ang mga nahuli

:50

ay talagang mga titipunin sa isang takdang oras ng isang araw na nalalaman."

:51

Pagkatapos tunay na kayo, O mga naliligaw na mga tagapagpasinungaling

:52

ay talagang mga kakain mula sa mga puno ng Zaqqūm,

:53

saka mga magpupuno mula sa mga iyon ng mga tiyan,

:54

saka mga iinom sa mga ito mula sa nakapapasong tubig,

:55

saka mga iinom nang pag-inom ng mga uhaw na kamelyo!"

:56

Ito ay pang-aliw sa kanila sa Araw ng Paggantimpala.

:57

Kami ay lumikha sa inyo kaya bakit kaya hindi kayo naniniwala?

:58

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupulandit ninyo [na punlay]?

:59

Kayo ba ay lumilikha niyon o Kami ay ang Tagalikha?

:60

Kami ay nagtakda sa gitna ninyo ng kamatayan at Kami ay hindi nauunahan

:61

na magpalit Kami ng mga tulad ninyo at magpaluwal Kami sa inyo sa hindi ninyo nalalaman.

:62

Talaga ngang nalaman ninyo ang unang pagpapaluwal, kaya bakit kaya hindi kayo nagsasaalaala?

:63

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupunla ninyo?

:64

Kayo ba ay nagtatanim niyon o Kami ay ang Tagapagtanim?

:65

Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang ginawa Namin iyon na ipa saka kayo ay magiging nagugulantang,

:66

[na magsasabi]: "Tunay na kami ay talagang mga namultahan;

:67

bagkus kami ay mga pinagkaitan!"

:68

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa tubig na iniinom ninyo?

:69

Kayo ba ay nagpababa niyon mula sa mga ulap o Kami ay ang Tagapagpababa?

:70

Kung sakaling niloloob Namin ay ginawa sana Namin iyon na maalat, kaya bakit kaya hindi kayo nagpapasalamat?

:71

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa apoy na pinaniningas ninyo?

:72

Kayo ba ay nagpapaluwal ng punong-kahoy [na nagpapaningas] nito o Kami ay ang Tagapagpaluwal?

:73

Kami ay gumawa nito bilang pagpapaalaala at bilang natatamasa para sa mga naglalakbay.

:74

Kaya magluwalhati ka sa pangalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.

:75

Kaya nanunumpa Ako sa mga lubugan ng mga bituin,

:76

at tunay na ito ay talagang isang panunumpa – kung sakaling nalalaman ninyo – na sukdulan.

:77

Tunay na ito ay talagang isang Qur’ān na marangal,

:78

na nasa isang Aklat na itinatago,

:79

na walang nakasasaling dito kundi ang mga [anghel na] dinalisay,

:80

na isang pagbababa mula sa Panginoon ng mga nilalang.

:81

Kaya sa salaysay na ito ba kayo ay mga nagwawalang-bahala?

:82

Gumagawa kayo [sa pagpapasalamat] sa panustos ninyo na kayo ay nagpapasinungaling.

:83

Kaya bakit hindi [kayo magpabalik ng kaluluwa] kapag umabot ito sa lalamunan

:84

habang kayo sa sandaling iyon ay nakatingin?

:85

Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa inyo subalit hindi ninyo nakikita.

:86

Kaya bakit hindi – kung kayo ay hindi mga pananagutin –

:87

nagpapabalik kayo nito kung kayo ay mga tapat.

:88

Kaya tungkol naman sa kung siya ay kabilang sa mga inilapit [kay Allāh],

:89

[ukol sa kanya ay] kapahingahan, kaloob, at hardin ng kaginhawahan.

:90

Tungkol naman sa kung siya ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan,

:91

[sasabihin sa kanya]: "Kapayapaan ay ukol sa iyo na kabilang sa mga kasamahan ng kanan."

:92

Tungkol naman sa kung siya ay kabilang sa mga tagapagpasinungaling na naliligaw,

:93

[ukol sa kanya ay] isang pang-aliw mula sa nakapapasong tubig

:94

at isang pagpapasok sa Impiyerno.

:95

Tunay na ito ay talagang ito ang katotohanan ng katiyakan.

:96

Kaya magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.