All Islam Library

51 - The Winnowing Winds - Adh-Dhāriyāt

:1

Sumpa man sa mga [hanging] tagapagpalipad sa pagpapalipad [ng alikabok],

:2

saka sa mga [ulap na] tagapagdala ng lulan [na ulap],

:3

at sa mga [daong na] tagapaglayag nang magaan,

:4

saka sa mga [anghel na] tagapagbahagi ng nauukol,

:5

tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang tapat,

:6

at tunay na ang paggagantimpala ay talagang magaganap!

:7

Sumpa man sa langit na may mga daanan,

:8

tunay na kayo ay talagang nasa isang pagsasabing nagkakaiba.

:9

Nalilinlang palayo rito ang sinumang nalinlang.

:10

Napahamak ang mga palasapantaha,

:11

na sila sa isang pagkalubog [sa kamangmangan] ay mga nakaliligta.

:12

Nagtatanong sila: "Kailan ang Araw ng Paggagantimpala?"

:13

Sa araw na sila sa ibabaw ng Apoy ay sinisilaban.

:14

Lasapin ninyo ang pagsilab sa inyo; ito ay ang dati ninyong minamadali!

:15

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal,

:16

habang mga kumukuha ng anumang ibinigay sa kanila ng Panginoon nila. Tunay na sila dati bago niyon ay mga tagagawa ng maganda.

:17

Sila dati ay kaunti mula sa gabi ang iniidlip.

:18

Sa mga huling bahagi ng gabi, sila ay humihingi ng tawad.

:19

Sa mga yaman nila ay may karapatan para sa nanghihingi at napagkakaitan.

:20

Sa lupa ay may mga tanda para sa mga nakatitiyak,

:21

at sa mga sarili ninyo. Kaya hindi ba kayo nakakikita?

:22

Sa langit ay ang panustos ninyo at ang ipinangangako sa inyo.

:23

Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ito ay talagang katotohanan tulad ng anuman na kayo ay bumibigkas [niyon].

:24

Dumating kaya sa iyo ang salaysay ng mga panauhin ni Abraham, na mga pinarangalan?

:25

Noong pumasok sila sa kanya saka nagsabi sila ng kapayapaan ay nagsabi naman siya: "Kapayapaan, mga taong di-kilala."

:26

Kaya tumalilis siya sa mag-anak niya, saka naghatid ng isang guyang mataba.

:27

Kaya naglapit siya nito sa kanila; nagsabi siya: "Hindi ba kayo kakain?"

:28

Kaya nakadama siya mula sa kanila ng pangangamba. Nagsabi sila: "Huwag kang mangamba." Nagbalita sila ng nakagagalak sa kanya hinggil sa isang batang lalaking maalam.

:29

Kaya lumapit ang maybahay niya habang nasa paghihiyaw saka tinampal nito ang mukha nito at nagsabi: "Matandang babaing baog [ako]!"

:30

Nagsabi sila: "Gayon nagsabi ng Panginoon mo; tunay na Siya ay ang Marunong, ang Maalam."

:31

Nagsabi siya: "Kaya ano ang sadya ninyo, O mga isinugo?"

:32

Nagsabi sila: "Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin,

:33

upang magsugo kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad,

:34

tinatakan sa ganang Panginoon mo na para sa mga tagapagmalabis."

:35

Kaya nagpalabas Kami ng sinumang dati ay naroon kabilang sa mga mananampalataya.

:36

Ngunit wala kaming natagpuan doon maliban sa isang sambahayan ng mga tagapagpasakop.

:37

Nag-iwan Kami roon ng isang tanda para sa mga nangangamba sa pagdurusang masakit.

:38

Kay Moises [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanya kay Paraon kalakip ng isang katunayang malinaw.

:39

Ngunit tumalikod siya kasabay ng kampon niya at nagsabi: "Manggagaway o baliw."

:40

Kaya kinuha Namin siya at ang mga kawal niya saka itinapon Namin sila sa dagat habang siya ay masisisi.

:41

Sa `Ād [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanila ng hanging baog.

:42

Hindi ito nagpapabaya ng anumang bagay na pinuntahan nito malibang ginawa nito iyon gaya ng nalansag.

:43

Sa Thamūd [ay may tanda] noong sinabi sa kanila: "Magtamasa kayo hanggang sa pansamantala."

:44

Ngunit nagpakapalalo sila sa utos ng Panginoon nila kaya dumaklot sa kanila ang lintik habang sila ay nakatingin.

:45

Kaya hindi sila nakakaya ng pagtayo at hindi sila dati mga naiaadya.

:46

[Nagpahamak Kami] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyon; tunay na sila dati ay mga taong suwail.

:47

Ang langit ay ipinatayo Namin ito sa pamamagitan ng kapangyarihan at tunay na Kami ay talagang tagapagpalawak [nito].

:48

Ang lupa ay inilatag Namin ito, saka kay inam na tagapaghimlay [Kami].

:49

Mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapares, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala.

:50

Kaya tumakas kayo patungo kay Allāh; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw.

:51

Huwag kayong gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw.

:52

Gayon din, walang pumunta sa mga [tao] bago pa nila na isang sugo malibang nagsabi sila: "Isang manggagaway o isang baliw."

:53

Nagtagubilinan ba sila hinggil dito? Bagkus sila ay mga taong tagapagmalabis.

:54

Kaya tumalikod ka palayo sa kanila sapagkat ikaw ay hindi masisisi.

:55

Magpaalaala ka sapagkat tunay na ang paalaala ay nagpapakinabang sa mga mananampalataya.

:56

Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.

:57

Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na magpakain sila sa Akin.

:58

Tunay na si Allāh ay ang Palatustos, ang May Lakas, ang Matibay.

:59

Saka tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan ay mga pagkakasalang tulad ng mga pagkakasala ng mga kasamahan nila, kaya huwag silang magmadali sa Akin.

:60

Kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa araw nila na pinangangakuan sila [ng pagdurusa].