All Islam Library

52 - The Mount - Aţ-Ţūr

:1

Sumpa man sa Bundok,

:2

sumpa man sa isang Aklat na natitikan

:3

sa isang pergaminong nakaladlad,

:4

sumpa man sa Bahay na dinadalaw,

:5

sumpa man sa bubong na iniangat,

:6

sumpa man sa dagat na pinupuno,

:7

tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon mo ay talagang magaganap.

:8

Walang ukol dito na anumang tagatulak,

:9

sa araw na mayayanig ang langit sa isang pagyanig,

:10

at uusad ang mga bundok sa isang pag-usad.

:11

Kaya kapighatian sa araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,

:12

na sila sa pagsuong [sa kabulaanan] ay naglalaro.

:13

Sa araw na ipagtutulukan sila patungo sa apoy ng Impiyerno sa isang pagtutulakan,

:14

ito ay ang Apoy na kayo dati hinggil dito ay nagpapasinungaling.

:15

Kaya panggagaway ba ito o kayo ay hindi nakakikita?

:16

Masunog kayo rito [sa apoy] at magtiis kayo o huwag kayong magtiis: magkapantay sa inyo; gagantihan lamang kayo ng dati ninyong ginagawa.

:17

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at kaginhawahan,

:18

na mga nagpapasarap sa ibinigay sa kanila ng Panginoon nila at nagsanggalang sa kanila ang Panginoon nila sa pagdurusa sa Impiyerno.

:19

Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyong ginagawa,

:20

habang mga nakasandal sa mga kama na inihanay. Magkakasal Kami sa kanila sa mga dilag na may maninining na mata.

:21

Ang mga sumampalataya at sumunod sa kanila sa pananampalataya ang mga supling nila ay mag-uugnay Kami sa kanila sa mga supling nila at hindi Kami babawas sa kanila mula sa gawa nila ng anuman. Ang bawat tao, sa nakamit niya, ay mananagot.

:22

Magkakaloob Kami sa kanila ng prutas at karne kabilang sa ninanasa nila.

:23

Magpapasahan sila roon ng tasa na walang satsatan dito at walang pagpapakasalanan.

:24

May iikot sa kanila na mga batang lalaki [na pinagsilbi] para sa kanila, na para bang ang mga iyon ay mga mutyang itinatago.

:25

Lalapit ang iba sa kanila sa iba pa habang nagtatanungan.

:26

Magsasabi sila: "Tunay na kami dati bago pa niyan sa mga mag-anak namin ay mga nababagabag.

:27

Ngunit nagmagandang-loob si Allāh sa amin at nagsanggalang Siya sa amin sa pagdurusa sa nakapapasong hangin.

:28

Tunay na kami dati bago pa niyon ay dumadalangin sa Kanya; tunay na Siya ay ang Mabait, ang Maawain.

:29

Kaya magpaalaala ka sapagkat hindi ka, dahil sa biyaya ng Panginoon mo, isang manghuhula, ni isang baliw.

:30

O nagsasabi sila: "Isang makata, na nag-aabang kami sa kanya ng sakuna ng panahon."

:31

Sabihin mo: "Mag-abang kayo sapagkat tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagapag-abang."

:32

O nag-uutos ba sa kanila ang mga isipan nila ng ganito o sila ay mga taong tagapagmalabis?

:33

O nagsasabi ba silang nagsabi-sabi siya [ng Qur’ān na] ito? Bagkus hindi sila sumasampalataya.

:34

Kaya maglahad sila ng isang salaysay tulad nito kung sila ay mga tapat.

:35

O nilikha ba sila mula sa hindi isang bagay o sila ay ang mga tagalikha?

:36

O lumikha ba sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak.

:37

O taglay ba nila ang mga imbakan ng Panginoon mo, o sila ay ang mga tagapangibabaw?

:38

O mayroon ba silang isang hagdan [paakyat sa langit] na nakapapakinig sila roon? Kaya [kung gayon] ay maglahad ang tagapakinig nila ng isang katunayang malinaw.

:39

O ukol sa Kanya ay ang mga anak na babae at ukol naman sa inyo ay ang mga anak na lalaki?

:40

O nanghihingi ka ba sa kanila ng isang pabuya kaya sila dahil sa isang pagkakamulta ay mga napabibigatan?

:41

O taglay ba nila ang [kaalaman sa] Lingid kaya sila ay nagsusulat [nito]?

:42

O nagnanais ba sila ng isang pakana, ngunit ang mga tumangging sumampalataya ay ang mga pinapakanaan?

:43

O mayroon ba silang diyos na iba pa kay Allāh? Kaluwalhatian kay Allāh higit sa itinatambal nila!

:44

Kung may makikita sila na isang tipak mula sa langit na bumabagsak ay magsasabi sila: "Mga ulap na ibinunton."

:45

Kaya pabayaan mo sila hanggang sa makipagtagpo sila sa araw nila na doon ay malilintikan sila,

:46

sa Araw na hindi makapagdudulot para sa kanila ang pakana nila ng anuman ni sila ay iaadya.

:47

Tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan ay isang pagdurusang iba pa roon subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

:48

Magtiis ka sa hatol ng Panginoon mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa mga mata Namin at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo kapag bumangon ka.

:49

Sa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Kanya at sa paglubog ng mga bituin.