101 - The Calamity - Al-Qāri`ah
:1
Ang Tagakalampag.
:2
Ano ang Tagakalampag?
:3
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Tagakalampag?
:4
Sa Araw na [iyon], ang mga tao ay magiging para bang mga gamugamong pinakalat
:5
at ang mga bundok ay magiging para bang mga lanang nahimulmol.
:6
Kaya tungkol naman sa sinumang bumigat [sa kabutihan] ang mga timbangan niya,
:7
siya ay nasa isang pamumuhay na nakalulugod.
:8
Tungkol naman sa sinumang gumaan [sa kabutihan] ang mga timbangan niya,
:9
ang kanlungan niya ay kailaliman.
:10
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano iyon?
:11
[Iyon ay] isang Apoy na napakainit.