All Islam Library

100 - The Courser - Al-`Ādiyāt

:1

Sumpa man sa mga [kabayong] tumatakbo habang humihingal,

:2

saka sa mga nagpapaningas habang nakikiskis [ang mga kuko],

:3

saka sa mga nanlulusob sa madaling-araw,

:4

saka bumulabog ang mga ito sa pamamagitan nito ng mga alikabok,

:5

saka pumagitna ang mga ito dahil dito sa isang pagtitipon;

:6

tunay na ang tao, sa Panginoon niya, ay talagang isang mapagkaila.

:7

Tunay na siya roon ay talagang isang saksi.

:8

Tunay na siya, sa pag-ibig sa kayamanan, ay talagang matindi.

:9

Kaya hindi ba siya nakaaalam kapag hinalukay ang nasa mga puntod

:10

at itinanghal ang nasa mga dibdib,

:11

tunay na ang Panginoon nila sa kanila, sa Araw na iyon, ay talagang Mapagbatid.