All Islam Library

99 - The Earthquake - Az-Zalzalah

:1

Kapag niyanig ang lupa sa pagyanig nito,

:2

at nagpalabas ang lupa ng mga pabigat nito,

:3

at nagsabi ang tao: "Ano ang mayroon dito?" –

:4

sa Araw na iyon ay magsasaysay ito ng mga ulat nito

:5

dahil ang Panginoon mo ay nagkasi rito.

:6

Sa Araw na iyon ay hahayo ang mga tao nang hiwa-hiwalay upang pakitaan sila ng mga gawa nila.

:7

Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon,

:8

at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.