102 - The Rivalry in world increase - At-Takāthur
:1
Nagpalibang sa inyo ang pagpaparamihan
:2
hanggang sa dumalaw kayo sa mga pinaglilibingan.
:3
Aba’y hindi! Malalaman ninyo.
:4
Pagkatapos, aba’y hindi! Malalaman ninyo.
:5
Aba’y hindi! Kung sakaling nalalaman ninyo nang may kaalaman ng katiyakan,
:6
talagang makikita nga ninyo ang Impiyerno.
:7
Pagkatapos talagang makikita nga ninyo iyon nang may mata ng katiyakan.
:8
Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.