All Islam Library

105 - The Elephant - Al-Fīl

:1

Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa mga kasamahan ng elepante?

:2

Hindi ba Siya gumawa sa pakana nila [na mauwi] sa isang pagkawala?

:3

Nagsugo Siya sa kanila ng mga ibon na kawan-kawan,

:4

na nagpupukol sa kanila ng mga batong mula sa luwad na nanigas.

:5

Kaya gumawa Siya sa kanila gaya ng uhay na kinainan.