All Islam Library

104 - The Traducer - Al-Humazah

:1

Kapighatian ay ukol sa bawat palalibak na palatuligsa,

:2

na nag-ipon ng yaman at bumilang-bilang nito,

:3

habang nag-aakala na ang yaman niya ay magpapanatili sa kanya.

:4

Aba’y hindi! Talagang ihahagis nga siya sa Mapangwasak.

:5

Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Mapangwasak?

:6

[Ito ay] ang Apoy ni Allāh, na ginagatungan,

:7

na nanunuot sa mga puso.

:8

Tunay na ito sa kanila ay itataklob

:9

sa mga haliging binanat.