All Islam Library

86 - The Nightcommer - Aţ-Ţāriq

:1

Sumpa man sa langit at sa tagapunta sa gabi.

:2

Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang tagapunta sa gabi?

:3

[Ito] ang bituing tumatagos.

:4

Walang kaluluwa malibang dito ay may isang tagapag-ingat.

:5

Kaya tumingin ang tao mula sa ano siya nilikha.

:6

Nilikha siya mula sa isang likidong pumupulandit,

:7

na lumalabas mula sa pagitan ng gulugod at mga tadyang.

:8

Tunay na Siya, sa pagpapabalik dito, ay talagang Nakakakaya.

:9

Sa Araw na sisiyasatin ang mga lihim,

:10

walang ukol sa kanya na anumang lakas ni tagapag-adya.

:11

Sumpa man sa langit na may pagpapabalik,

:12

sumpa man sa lupa na may bitak;

:13

tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang sinabing pambukod,

:14

at hindi ito ang biru-biro.

:15

Tunay na sila ay nagpapakana ng pakana,

:16

at nagpapakana naman Ako ng pakana.

:17

Kaya mag-anta-antabay ka sa mga tagatangging sumampalataya, mag-antabay ka sa kanila nang hinay-hinay.