All Islam Library

75 - The Resurrection - Al-Qiyāmah

:1

Talagang sumusumpa Ako sa Araw ng Pagbangon.

:2

Talagang sumusumpa Ako sa palasising kaluluwa.

:3

Nag-aakala ba ang tao na hindi Kami magtitipon ng mga buto niya?

:4

Oo; nakakakaya na bumuo Kami ng mga dulo ng daliri niya.

:5

Bagkus nagnanais ang tao para magmasamang-loob sa harapan niya.

:6

Nagtatanong siya: "Kailan ang Araw ng Pagbangon?"

:7

Kaya kapag nagitla ang paningin

:8

at nagdilim ang buwan,

:9

at ipinagsama ang araw at ang buwan;

:10

magsasabi ang tao sa Araw na iyon: "Saan ang matatakasan?"

:11

Aba’y hindi! Wala nang kublihan.

:12

Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pinagtitigilan.

:13

Babalitaan ang tao sa Araw na iyon hinggil sa ipinauna niya at ipinahuli niya.

:14

Bagkus ang tao laban sa sarili niya ay isang patunay.

:15

Kahit pa man naglahad siya ng mga dahi-dahilan niya.

:16

Huwag kang magpagalaw ng dila mo kasabay nito upang magmadali ka nito.

:17

Tunay na nasa Amin ang pagtitipon nito at ang pagpapabigkas nito.

:18

Kaya kapag bumigkas Kami nito ay sumunod ka sa pagpapabigkas nito.

:19

Pagkatapos tunay na nasa Amin ang paglilinaw nito.

:20

Aba’y hindi! Bagkus iniibig ninyo ang Panandaliang-buhay

:21

at hinahayaan ninyo ang Kabilang-buhay.

:22

May mga mukha, sa Araw na iyon, na nagniningning,

:23

tungo sa Panginoon nila ay nakatingin.

:24

May mga mukha, sa Araw na iyon, na nakangiwi.

:25

Nakatitiyak sila na gagawa sa kanila ng isang makababali ng likod.

:26

Aba’y hindi! Kapag umabot [ang kaluluwang] ito sa balagat,

:27

at sasabihin: "Sino ang lulunas?"

:28

Nakatiyak siya na ito ay ang pakikipaghiwalay.

:29

Pupulupot ang binti sa binti.

:30

Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pag-aakayan.

:31

Ngunit hindi siya nagpatotoo at hindi siya nagdasal,

:32

subalit nagpasinungaling siya at tumalikod siya.

:33

Pagkatapos pumunta siya sa mag-anak niya, na nagmamayabang sa paglakad.

:34

Kasawian ay ukol sa iyo saka kasawian!

:35

Pagkatapos kasawian ay ukol sa iyo saka kasawian!

:36

Nag-aakala ba ang tao na iiwan siya na nakaligtaan?

:37

Hindi ba siya dati ay isang patak mula sa punlay na ibinuhos?

:38

Pagkatapos siya ay naging isang malalinta, saka lumikha [si Allāh] saka bumuo [sa kanya].

:39

Saka gumawa Siya mula sa kanya ng magkapares: ang lalaki at ang babae.

:40

Hindi ba Iyon ay Nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay?