All Islam Library

70 - The Ascending Stairways - Al-Ma`ārij

:1

Humingi ang isang humihingi ng isang pagdurusang magaganap.

:2

Para sa mga tagatangging sumampalataya, wala para ritong isang tagahadlang

:3

laban kay Allāh na may mga pampanik.

:4

Papanik ang mga anghel at ang Espiritu sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon.

:5

Kaya magtiis ka nang pagtitiis na marilag.

:6

Tunay na sila ay nagtuturing na [ang pagdurusang] ito ay malayo

:7

samantalang nagtuturing Kaming ito ay malapit,

:8

sa Araw na ang langit ay magiging para bang latak ng langis,

:9

ang mga bundok ay magiging para bang nilipad na lana,

:10

at walang magtatanong na isang kaanak sa isang kaanak.

:11

Magkakitaan sila. Mag-aasam ang salarin na kung sana tutubusin siya mula sa isang pagdurusa sa Araw na iyon kapalit ng mga anak niya,

:12

at ng asawa niya at kapatid niya,

:13

at ng angkan niya na nagkakanlong sa kanya,

:14

at ng sinumang nasa lupa sa kalahatan, pagkatapos makapagliligtas ito sa kanya.

:15

Aba’y hindi! Tunay na iyon ay Alab,

:16

na isang palatuklap ng anit,

:17

na nag-aanyaya sa sinumang tumalikod [sa katotohanan] at nagpakalayu-layo,

:18

at umipon [ng yaman] at nag-imbak nito.

:19

Tunay na ang tao ay nilikha na ganid:

:20

kapag sumaling sa kanya ang masama ay maligalig

:21

at kapag sumaling sa kanya ang mabuti ay mapagkait,

:22

maliban sa mga nagdarasal,

:23

na sila, sa pagdarasal nila, ay mga palagian,

:24

at na [sila], sa mga yaman nila, ay may tungkuling nalalaman

:25

para sa nanghihingi at napagkaitan,

:26

at mga nagpapatotoo sa Araw ng Paggantimpala,

:27

at na sila, sa pagdurusang dulot ng Panginoon nila, ay mga nababagabag

:28

– tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon nila ay walang natitiwasay –

:29

at na sila, para sa mga ari nila, ay mga tagapag-ingat,

:30

maliban sa mga maybahay nila o sa [babaing] minay-ari ng mga kanang kamay nila sapagkat tunay sila ay hindi mga masisisi

:31

– ngunit ang sinumang naghangad ng higit pa roon, ang mga iyon ay ang mga tagalabag –

:32

at na sila, sa mga ipinagkakatiwala sa kanila at sa kasunduan sa kanila, ay mga nag-iingat,

:33

at na sila, sa mga pagsasaksi nila, ay mga naninindigan,

:34

at na sila, sa pagdarasal nila, ay nangangalaga,

:35

ang mga iyon sa mga hardin ay mga pararangalan.

:36

Kaya ano ang mayroon sa mga tumangging sumampalataya na sa dako mo ay mga nagdadali-dali

:37

sa gawing kanan at sa gawing kaliwa sa magkakahiwalay na umpukan?

:38

Naghahangad ba ang bawat tao kabilang sa kanila na papasukin sa isang hardin ng kaginhawahan?

:39

Aba’y hindi! Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa nalalaman nila.

:40

Kaya talagang sumusumpa Ako sa Panginoon ng mga sikatan at mga lubugan: "Tunay na Kami ay talagang Nakakakaya

:41

na magpalit Kami ng higit na mabuti kaysa sa kanila, at Kami ay hindi mauunahan."

:42

Kaya hayaan mo silang sumuong [sa kabulaanan] at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang pinangangakuan sila,

:43

sa araw na lalabas sila mula sa mga puntod nang matutulin na para bang sila tungo sa mga dambana ay nagmamadali.

:44

Nagpapakumbaba ang mga paningin nila, may lumulukob sa kanila na isang kaabahan! Iyon ay ang araw na dating ipinangangako sa kanila.