All Islam Library

68 - The Pen - Al-Qalam

:1

Nūn. Sumpa man sa panulat at anumang itinititik nila,

:2

hindi ka, dahil sa biyaya ng Panginoon mo, isang baliw.

:3

Tunay na ukol sa iyo ay talagang isang pabuyang hindi matitigil.

:4

Tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang sukdulan.

:5

Kaya makakikita ka at makakikita sila

:6

kung nasa alin sa inyo ang binabaliw.

:7

Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa kung sino ang naligaw palayo sa landas Niya, at Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan.

:8

Kaya huwag kang tumalima sa mga tagapagpasinungaling.

:9

Nagmithi sila na kung sana magpapahinuhod ka at magpapahinuhod sila.

:10

Huwag kang tumalima sa bawat palasumpang hamak,

:11

palasirang-puri, palalako ng satsat,

:12

palakait ng kabutihan, tagalabag, makasalanan,

:13

sanggano, matapos niyon, nagpapanggap ng kaangkanan.

:14

Dahil siya ay naging may yaman at mga anak,

:15

kapag binibigkas sa kanya ang mga tanda Namin, nagsasabi siya: "Mga alamat ng mga sinauna."

:16

Maghehero Kami sa kanya sa nguso.

:17

Tunay na Kami ay sumubok sa kanila kung paanong sumubok Kami sa mga may-ari ng hardin noong sumumpa ang mga ito na talagang pipitas nga ang mga ito doon pagkaumaga.

:18

Hindi sila humihiling ng pahintulot [kay Allāh].

:19

Kaya may umikot doon na isang umiikot [na apoy] mula sa Panginoon mo habang sila ay mga natutulog.

:20

Kaya kinaumagahan iyon ay naging para bang madilim na gabi.

:21

Kaya nagtawagan sila kinaumagahan,

:22

na [mga nagsasabi]: "Magpakaaga kayo sa taniman ninyo kung kayo ay mga mamimitas."

:23

Kaya humayo sila habang sila ay nagbubulungan,

:24

na [nagsasabi]: "Wala ngang papasok ngayong araw sa inyo na isang dukha."

:25

Nagpakaaga sila sa layon habang [nag-aakalang] mga makakakaya.

:26

Ngunit noong nakita nila iyon ay nagsabi sila: "Tunay na tayo ay talagang mga naliligaw;

:27

bagkus tayo ay mga pinagkaitan!"

:28

Nagsabi ang pinakamaigi sa kanila: "Hindi ba nagsabi ako sa inyo na bakit kasi hindi kayo nagluluwalhati [kay Allāh]?"

:29

Nagsabi sila: "Kaluwalhatian sa Panginoon natin! Tunay na tayo dati ay mga tagalabag sa katarungan."

:30

Kaya lumapit sila sa isa’t isa habang nagsisisihan.

:31

Nagsabi sila: "O kapighatian sa atin; tayo dati ay mga tagapagmalabis.

:32

Marahil ang Panginoon natin ay magpalit sa atin ng higit na mabuti kaysa roon; tunay na tayo sa Panginoon natin ay mga naghahangad."

:33

Gayon ang pagdurusa at talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na malaki, kung sakaling sila ay nakaaalam.

:34

Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala, sa piling ng Panginoon nila, ang mga hardin ng kaginhawahan.

:35

Kaya gagawa ba Kami sa mga Muslim gaya ng mga salarin?

:36

Ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol?

:37

O mayroon kayong isang kasulatan na doon ay nag-aaral kayo,

:38

na tunay na ukol sa inyo roon ay talagang ang minamabuti ninyo?

:39

O mayroon kayong mga pinanumpaan sa Amin, na aabot hanggang sa Araw ng Pagbangon, na tunay na ukol sa inyo ay ang hinahatol ninyo?

:40

Magtanong ka sa kanila kung alin sa kanila roon ay tagaako.

:41

O mayroon silang mga pantambal? Kaya magdala sila ng mga pantambal nila kung sila ay mga tapat,

:42

sa Araw na may itatambad na isang lulod at tatawagin sila tungo sa pagpapatirapa ngunit hindi sila makakakaya.

:43

Nagpapakumbaba ang mga paningin nila, may lumulukob sa kanila na isang kaabahan samantalang sila nga dati ay inaanyayahan sa pagpatirapa habang sila ay malusog.

:44

Kaya hayaan mo Ako at ang sinumang nagpapasinungaling sa pakikipag-usap na ito; magpapain Kami sa kanila mula sa hindi nila nalalaman.

:45

Magpapalugit Ako para sa kanila. Tunay na ang pakana Ko ay matibay.

:46

O nanghihingi ka ba sa kanila ng isang pabuya kaya sila dahil sa isang pagkakamulta ay mga napabibigatan?

:47

O taglay ba nila ang [kaalaman sa] Lingid kaya sila ay nagsusulat [nito]?

:48

Kaya magtiis ka sa hatol ng Panginoon mo at huwag kang maging gaya ng kasamahan ng isda noong nanawagan siya habang siya ay nahahapis.

:49

Kung sakaling hindi nakaabot sa kanya ang isang biyaya mula sa Panginoon niya ay talaga sanang ihinagis siya sa kahawanan samantalang siya ay pinupulaan.

:50

Ngunit humirang sa kanya ang Panginoon niya, saka gumawa sa kanya kabilang sa mga maayos.

:51

Tunay na halos ang mga tumangging sumampalataya ay talagang magpapadulas sa iyo sa pamamagitan ng mga tingin nila noong nakarinig sila sa paalaala at nagsasabi sila: "Tunay na siya ay talagang isang baliw."

:52

Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang.