All Islam Library

44 - The Smoke - Ad-Dukhān

:1

Ḥā. Mīm.

:2

Sumpa man sa Aklat na naglilinaw,

:3

tunay na Kami ay nagpababa nito sa isang gabing biniyayaan. Tunay Kami ay laging Tagapagbabala.

:4

Sa [gabing] ito pinagpapasyahan ang bawat usaping tumpak,

:5

bilang usaping mula sa ganang Amin. Tunay na Kami noon ay nagsusugo,

:6

bilang awa mula sa Panginoon mo. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.

:7

Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay mga nakatitiyak.

:8

Walang Diyos kundi Siya, nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya, ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga magulang ninyong mga sinauna.

:9

Bagkus sila sa isang pagdududa ay naglalaro.

:10

Kaya mag-abang ka sa Araw na magdadala ang langit ng isang usok na malinaw.

:11

Babalot ito sa mga tao; ito ay isang pagdurusang masakit.

:12

Panginoon Namin, pumawi Ka sa amin ng pagdurusa; tunay na Kami ay mga mananampalataya.

:13

Paanong ukol sa kanila ang paalaala gayong may dumating na sa kanilang isang Sugong malinaw?

:14

Pagkatapos ay tumalikod sila palayo sa kanya at nagsabi sila: "Isang tinuruang baliw."

:15

Tunay na Kami ay papawi ng pagdurusa nang kaunti. Tunay na kayo ay mga manunumbalik.

:16

Sa Araw na susunggab Kami ng pagsunggab na pinakamalaki, tunay na Kami ay maghihiganti.

:17

Talaga ngang sumubok Kami bago nila sa mga tao ni Paraon, at may dumating sa kanila na isang sugong marangal,

:18

na [nagsasabi]: "Ipaubaya ninyo sa akin ang mga lingkod ni Allāh – tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkakatiwalaan –

:19

at na huwag kayong magmataas kay Allāh; tunay na ako ay pumupunta sa inyo nang may kapamahalaang malinaw.

:20

Tunay na ako ay nagpakupkop sa Panginoon ko at Panginoon ninyo na baka bumato kayo sa akin.

:21

Kung hindi kayo naniwala sa akin ay lumayo kayo sa akin."

:22

Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya na ang mga ito ay mga taong salarin.

:23

Kaya [nag-utos si Allāh]: "Kaya maglakbay ka kasabay ng mga lingkod Ko sa isang gabi; tunay na kayo ay mga susundan."

:24

Iwan mo ang dagat nang payapa; tunay na sila ay mga kawal na malulunod.

:25

Kay rami ng iniwan nila na mga hardin at mga bukal,

:26

mga pananim at pinanatilihang marangal,

:27

at biyayang sila dati roon ay mga nagpapasarap!

:28

Gayon nga, at nagpamana Kami ng mga ito sa mga ibang tao.

:29

Kaya hindi umiyak sa kanila ang langit at ang lupa at sila noon ay hindi mga ipagpapaliban.

:30

Talaga ngang nagligtas Kami sa mga anak ni Israel mula sa pagdurusang manghahamak

:31

mula kay Paraon. Tunay na siya dati ay nagmamataas kabilang sa mga nagpapakalabis.

:32

Talaga ngang pumili Kami sa kanila ayon sa kaalaman higit sa [lahat ng] mga nilalang.

:33

Nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda na may isang pagsubok na malinaw.

:34

Tunay na ang mga ito ay talagang nagsasabi:

:35

"Walang iba ito kundi ang pagkamatay naming una at kami ay hindi mga bubuhayin.

:36

Kaya maglahad kayo ng mga magulang namin kung nangyaring kayo ay mga tapat."

:37

Sila ba ay higit na mabuti o ang mga tao ng Tubba` at ang mga bago pa sa kanila, na ipinahamak Namin? Tunay na sila ay mga salarin noon.

:38

Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito nang naglalaro.

:39

Hindi Kami lumikha ng mga ito malibang ayon sa katotohanan subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

:40

Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay tipanan nila nang magkakasama,

:41

sa Araw na hindi magpapakinabang ng anuman ang isang tagatangkilik sa isang tinatangkilik at hindi sila iaadya,

:42

maliban sa sinumang kinaawaan ni Allāh; tunay na Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maawain.

:43

Tunay na ang puno ng Zaqqūm

:44

ay pagkain ng makasalanan.

:45

Gaya ng latak ng langis, kukulo ito sa loob ng mga tiyan

:46

gaya ng pagkulo ng nakapapasong tubig.

:47

[Sasabihin]: "Kunin ninyo siya at kaladkarin ninyo siya patungo sa kalagitnaan ng Impiyerno.

:48

Pagkatapos magbuhos kayo sa ibabaw ng ulo niya mula sa pagdurusa sa nakapapasong tubig.

:49

Lasapin mo; tunay na ikaw ay ang makapangyarihan, ang mapagbigay.

:50

Tunay na ito ay ang dati ninyong pinag-aalinlanganan."

:51

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa pinananatilihang ligtas,

:52

sa mga hardin at mga bukal,

:53

na magsusuot ng manipis na sutla at makapal na sutla, na mga magkaharapan.

:54

Gayon nga, at ipakakasal Namin sila sa mga dilag na may maningning na mata.

:55

Mananawagan sila roon ng bawat bungang-kahoy habang mga natitiwasay.

:56

Hindi sila lalasap doon ng kamatayan maliban sa unang pagkamatay at magsasanggalang Siya sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno

:57

bilang kabutihang-loob mula sa Panginoon mo. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.

:58

Kaya nagpadali lamang Kami nito sa dila mo nang sa gayon sila ay magsasaalaala.

:59

Kaya mag-abang ka; tunay na sila ay mga nag-aabang.