All Islam Library

37 - Those who set the Ranks - Aş-Şāffāt

:1

Sumpa man sa mga [anghel na] nakahanay sa isang hanay,

:2

saka sa mga tagapagtaboy sa isang pagtataboy,

:3

saka sa mga bumibigkas ng isang paalaala;

:4

tunay na ang Diyos ninyo ay talagang nag-iisa,

:5

ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito at ang Panginoon ng mga silangan.

:6

Tunay na Kami ay gumayak sa langit na pinakamababa ng gayak: ang mga tala,

:7

at bilang pangangalaga laban sa bawat demonyong naghihimagsik.

:8

Hindi sila nakikinig-kinig sa konsehong pinakamataas [malibang] habang pinupukol sila mula sa bawat gilid

:9

sa isang pagpapalayas. Ukol sa mga ito ay isang pagdurusang palagian,

:10

maliban sa sinumang humahablot ng hablot ngunit sinusundan siya ng isang ningas na nanunuot.

:11

Kaya magpahabilin ka sa kanila: "Sila ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang [ibang] nilikha Namin?" Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa isang putik na malagkit.

:12

Bagkus namangha ka habang nanunuya sila.

:13

Kapag pinaalalahanan sila ay hindi sila nag-aalaala.

:14

Kapag nakakita sila ng isang tanda ay ipinatutuya nila.

:15

Nagsasabi sila: "Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.

:16

Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin

:17

at ang mga ninuno ba naming sinauna?"

:18

Sabihin mo: "Oo, at kayo ay mga aabahin."

:19

Saka ito ay nag-iisang bulyaw lamang, saka biglang sila ay nakatingin.

:20

Magsasabi sila: "O kapighatian sa amin! Ito ay ang Araw ng Paggantimpala."

:21

Ito ay ang Araw ng Pagpapasya na kayo dati dito ay nagpapasinungaling.

:22

[Sasabihin]: "Kalapin ninyo ang mga lumabag sa katarungan, ang mga kauri nila, at ang anumang dati nilang sinasamba

:23

bukod pa kay Allāh, saka patnubayan ninyo sila tungo sa landasin ng Impiyerno,

:24

at patigilin ninyo sila; tunay na sila ay mga pananagutin."

:25

[Sasabihin]: "Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo nag-aadyaan?"

:26

Bagkus sila sa Araw na iyon ay mga susuko.

:27

Lalapit ang iba sa kanila sa iba pa, na nagtatanungan.

:28

Magsasabi sila: "Tunay kayo ay dating pumupunta sa amin buhat sa kanan."

:29

Magsasabi sila: "Bagkus hindi kayo dati mga mananampalataya.

:30

Hindi kami nagkaroon sa inyo ng anumang kapamahalaan; bagkus kayo dati ay mga taong tagapagmalabis.

:31

Kaya nagindapat sa atin ang hatol ng Panginoon natin; tunay na tayo ay talagang mga lalasap [ng pagdurusa].

:32

Kaya naglisya kami sa inyo; tunay na kami ay dating mga nalilisya."

:33

Kaya tunay na sila sa Araw na iyon sa pagdurusa ay mga lumalahok.

:34

Tunay na Kami ay gagawa ng gayon sa mga salarin.

:35

Tunay na sila dati, kapag sinabi sa kanila na walang Diyos kundi si Allāh, ay nagmamalaki

:36

at nagsasabi: "Tunay na kami ba ay talagang mga mag-iiwan sa mga diyos namin dahil sa isang manunulang baliw?"

:37

Bagkus naghatid siya ng katotohanan at nagpatotoo sa mga isinugo.

:38

Tunay na kayo ay talagang mga lalasap ng pagdurusang masakit.

:39

Hindi kayo gagantihan maliban ng ayon sa dati ninyong ginagawa,

:40

maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.

:41

Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang panustos na nalalaman:

:42

mga bungang-kahoy, habang sila ay mga pinararangalan

:43

sa mga hardin ng kaginhawahan,

:44

sa mga kama na mga magkakaharap.

:45

Magpapaikot sa kanila ng kopa mula sa isang [bukal na] umaagos,

:46

na maputi, na kasarapan para sa mga iinom.

:47

Wala ritong kalanguan at hindi sila buhat dito palalasingin.

:48

Sa piling nila ay may mga babaing naglilimita ng sulyap, na [may magandang] mga mata,

:49

na para bang sila ay mga itlog na itinatago.

:50

Kaya lalapit ang iba sa kanila sa iba pa habang nagtatanungan.

:51

Sasabihin ng isang magsasabi kabilang sa kanila: "Tunay na ako ay dating may isang kapisan

:52

na nagsasabi: "Tunay na ikaw ba ay talagang kabilang sa mga tagapagpatotoo?

:53

Kapag ba namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga tutumbasan?"

:54

Magsasabi ito: "Kayo kaya ay mga titingin?"

:55

Kaya titingin ito saka makikita nito iyon sa kalagitnaan ng Impiyerno.

:56

Magsasabi ito: "Sumpa man kay Allāh, tunay na muntik ka talagang sumawi sa akin.

:57

Kung hindi dahil sa biyaya ng Panginoon ko, talaga sanang ako ay naging kabilang na sa mga padadaluhin [sa pagdurusa].

:58

Kaya ba tayo ay hindi mga namatay,

:59

maliban sa pagkamatay nating una, at tayo ay hindi mga pagdurusahin?"

:60

Tunay na ito ay talagang ang pagkatamong sukdulan.

:61

Para sa tulad nito ay gumawa ang mga tagagawa.

:62

Iyon ba ay higit na mabuti bilang tuluyan o ang puno ng zaqqūm?

:63

Tunay na Kami ay gumawa roon bilang pagsubok para sa mga tagalabag sa katarungan.

:64

Tunay na ito ay isang punong-kahoy na lumalabas sa ugat ng Impiyerno.

:65

Ang mga usbong nito ay para bang ang mga iyon ay mga ulo ng mga demonyo.

:66

Saka tunay na sila ay talagang mga kakain mula rito saka mga pupuno mula rito ng mga tiyan.

:67

Pagkatapos tunay na ukol sa kanila higit doon ay talagang isang halo ng nakapapasong tubig.

:68

Pagkatapos tunay na ang babalikan nila ay talagang tungo sa Impiyerno.

:69

Tunay na sila ay nakasumpong sa mga magulang nila na mga naliligaw.

:70

Kaya sila sa mga bakas ng mga iyon ay nag-aapura.

:71

Talaga ngang naligaw bago nila ang higit na marami sa mga sinauna.

:72

Talaga ngang nagsugo Kami sa gitna nila ng mga tagapagbabala.

:73

Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga binalaan,

:74

maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.

:75

Talaga ngang nanawagan sa Amin si Noe, saka talagang kay inam ang Tagatugon.

:76

Nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya mula sa dalamhating sukdulan.

:77

Gumawa Kami sa mga supling niya na sila ay ang mga natitira.

:78

Nag-iwan Kami para sa kanya sa mga nahuli [ng magandang pagbanggit].

:79

Kapayapaan ay sumakay Noe sa mga nilalang.

:80

Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.

:81

Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.

:82

Pagkatapos nilunod Namin ang mga iba pa.

:83

Tunay na kabilang sa kakampi niya ay talagang si Abraham

:84

noong dumating siya sa Panginoon niya nang may pusong malinis,

:85

noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: "Ano ang sinasamba ninyo?

:86

Isang panlilinlang ba na mga diyos bukod pa kay Allāh ay ninanais ninyo?

:87

Kaya ano ang palagay ninyo sa Panginoon ng mga nilalang?"

:88

Kaya tumingin siya nang isang tingin sa mga bituin,

:89

saka nagsabi: "Tunay na ako ay maysakit."

:90

Kaya tumalikod sila palayo sa kanya habang mga lumilisan.

:91

Kaya tumalilis siya sa mga diyos nila saka nagsabi: "Hindi ba kayo kumakain?

:92

Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo bumibigkas?"

:93

Kaya tumalilis siya laban sa kanila ng isang hampas sa pamamagitan ng kanang kamay.

:94

Kaya lumapit [ang mga mananamba] patungo sa kanya, na kumakaripas.

:95

Nagsabi siya: "Sumasamba ba kayo sa nilililok ninyo

:96

samantalang si Allāh ay lumikha sa inyo at sa ginagawa ninyo?"

:97

Nagsabi sila: "Magpatayo kayo para sa kanya ng isang gusali, saka itapon ninyo siya sa Impiyerno."

:98

Kaya nagnais sila sa kanya ng isang pakana, ngunit gumawa Kami sa kanila bilang mga pinakamababa.

:99

Nagsabi siya: "Tunay na ako ay pupunta sa Panginoon ko; magpapatnubay Siya sa akin.

:100

Panginoon ko, magkaloob Ka para sa akin [ng anak] kabilang sa mga maayos."

:101

Kaya nagbalita Kami sa kanya ng nakagagalak hinggil sa isang batang matimpiin.

:102

Kaya noong umabot ito kasama sa kanya sa [gulang ng] pagpupunyagi ay nagsabi siya: "O munting anak ko, tunay na ako ay nakakikita sa pagtulog na ako ay kumakatay sa iyo, kaya tumingin ka kung ano nakikita mo." Nagsabi ito: "O ama ko, gawin mo po ang ipinag-uutos sa iyo. Matatagpuan mo po ako, kung niloob ni Allāh, kabilang sa mga nagtitiis."

:103

Kaya noong nagpasailalim silang dalawa at naglapag siya rito sa noo,

:104

nanawagan Kami sa kanya: "O Abraham,

:105

nagpatotoo ka nga sa panaginip. Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda."

:106

Tunay na ito ay talagang ang paglilitis na malinaw.

:107

Tumubos Kami sa kanya sa pamamagitan ng isang alay na dakila.

:108

Nag-iwan Kami para sa kanya [ng magandang pagbanggit] sa mga nahuli.

:109

Kapayapaan ay sumakay Abraham.

:110

Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.

:111

Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.

:112

Nagbalita Kami sa kanya ng nakalulugod hinggil kay Isaac bilang propeta kabilang sa mga maayos.

:113

Pinagpala Namin siya at si Isaac. Kabilang sa mga supling nilang dalawa ay tagagawa ng maganda at malinaw na tagalabag sa katarungan sa sarili nito.

:114

Talagang nagmagandang-loob Kami kina Moises at Aaron.

:115

Nagligtas Kami sa kanilang dalawa at sa mag-anak nilang dalawa mula sa dalamhating sukdulan.

:116

Nag-adya Kami sa kanila kaya sila ay naging ang mga nananaig.

:117

Nagbigay Kami sa kanilang dalawa ng Kasulatang naglilinaw

:118

Nagpatnubay Kami sa kanilang dalawa sa landasing tuwid.

:119

Nag-iwan Kami para sa kanilang dalawa [ng magandang pagbanggit] sa mga nahuli.

:120

Kapayapaan ay sumakina Moises at Aaron.

:121

Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.

:122

Tunay na silang dalawa ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.

:123

Tunay na si Elias ay talagang kabilang sa mga isinugo,

:124

noong nagsabi siya sa mga kalipi niya: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

:125

Dumadalangin ba kayo kay Baal at nagtatatwa kayo sa pinakamagaling sa mga tagalikha,

:126

kay Allāh na Panginoon ninyo at Panginoon ng mga ninuno ninyong mga sinauna?"

:127

Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya tunay na sila ay talagang mga padadaluhin [sa pagdurusa],

:128

maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.

:129

Nag-iwan Kami para sa kanya [ng magandang pagbanggit] sa mga nahuli.

:130

Kapayapaan ay sumakay Elias.

:131

Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.

:132

Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.

:133

Tunay na si Lot ay talagang kabilang sa mga isinugo,

:134

noong nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya nang magkakasama,

:135

maliban sa isang matandang babae sa mga nagpapaiwan.

:136

Pagkatapos winasak Namin ang mga iba pa.

:137

Tunay na kayo ay talagang nagdaraan sa kanila sa umaga

:138

at sa gabi. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?

:139

Tunay na si Jonas ay talagang kabilang sa mga isinugo,

:140

noong tumakas siya patungo sa daong na nilulanan.

:141

Kaya nakipagpalabunutan siya ngunit siya ay naging kabilang sa mga natalo.

:142

Kaya nilamon siya ng isda habang siya ay masisisi.

:143

Kaya kung hindi dahil siya ay naging kabilang sa mga tagapagluwalhati,

:144

talaga sanang namalagi siya sa tiyan niyon hanggang sa Araw na bubuhaying muli sila.

:145

Ngunit itinapon Namin siya sa baybaying hungkag habang siya ay maysakit.

:146

Nagpatubo Kami sa ibabaw niya ng isang puno ng malakalabasa.

:147

Nagsugo Kami sa kanya sa isang daang libo o nakahihigit sila.

:148

Kaya sumampalataya sila kaya nagpatamasa Kami sa kanila hanggang sa isang panahon.

:149

Kaya magpahabilin ka sa kanila: "Ukol ba sa Panginoon mo ay ang mga anak na babae at ukol sa kanila at ang mga anak na lalaki?"

:150

O lumikha ba Kami ng mga anghel bilang mga babae habang sila ay mga sumasaksi?

:151

Pansinin, tunay na sila dala ng kabulaanan nila ay talagang nagsasabi:

:152

"Nagkaanak si Allāh." Tunay na sila ay talagang mga sinungaling.

:153

Humirang ba Siya ng mga anak na babae higit sa mga anak na lalaki?

:154

Ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol?

:155

Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?

:156

O mayroon ba kayong isang kapamahalaang malinaw?

:157

Kaya maglahad kayo ng kasulatan ninyo kung kayo ay mga tapat.

:158

Nag-angkin sila sa pagitan Niya at ng mga [anghel na] nakakubli ng isang pagkakamag-anak. Talaga ngang nalaman ng mga [anghel na] nakakubli na tunay na sila ay talagang mga padadaluhin [sa pagdurusa].

:159

Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang inilalarawan nila,

:160

maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.

:161

Kaya tunay na kayo at ang anumang sinasamba ninyo,

:162

kayo palayo sa Kanya ay hindi mga makatutukso,

:163

maliban sa sinumang masusunog sa Impiyerno.

:164

[Magsasabi ang mga anghel]: "Walang kabilang sa amin malibang mayroon siyang isang katayuang nalalaman.

:165

Tunay na kami ay talagang kami ang mga nakahanay.

:166

Tunay na kami ay talagang kami ang mga tagaluwalhati."

:167

Tunay na sila dati ay talagang nagsasabi:

:168

"Kung sakaling mayroon tayong isang paalaala mula sa mga sinauna,

:169

talaga sanang tayo ay naging mga itinatanging lingkod ni Allāh."

:170

Ngunit tumanggi silang sumampalataya rito, kaya malalaman nila.

:171

Talaga ngang nauna ang salita Namin para sa mga lingkod Naming mga isinugo:

:172

Tunay na sila, ukol sa kanila [na maging] ang mga iaadya;

:173

at tunay na ang mga kawal Namin, ukol sa kanila [na maging] ang tagadaig.

:174

Kaya tumalikod ka palayo sa kanila hanggang sa isang panahon.

:175

Tumingin ka sa kanila sapagkat makikita nila.

:176

Kaya ba sa pagdurusang dulot Namin ay nagmamadali sila?

:177

Ngunit kapag bumaba ito sa bakuran nila, kay sagwa ang umaga ng mga binalaan!

:178

Tumalikod ka palayo sa kanila hanggang sa isang panahon.

:179

Tumingin ka sapagkat makikita nila.

:180

Kaluwalhatian sa Panginoon mo, ang Panginoon ng Kapangyarihan, higit sa anumang inilalarawan nila.

:181

Kapayapaan sa mga isinugo.

:182

Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.