All Islam Library

26 - The Poets - Ash-Shu`arā

:1

Ṭā. Sīn. Mīm.

:2

Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na naglilinaw.

:3

Baka ikaw ay kikitil ng sarili mo na hindi sila maging mga mananampalataya.

:4

Kung niloob Namin ay magbababa Kami sa kanila mula sa langit ng isang tanda kaya mananatili ang mga leeg nila na mga nakatungo roon.

:5

Walang pumupunta sa kanila na isang paalaala mula sa Napakamaawain, na bagong baba, malibang sila rito ay mga umaayaw.

:6

Kaya nagpasinungaling nga sila kaya pupunta sa kanila ang mga balita ng anumang dati nilang kinukutya.

:7

Hindi ba sila nakita sa lupa kung ilan ang pinatubo Namin dito mula sa bawat uring marangal?

:8

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

:9

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

:10

[Banggitin] noong nanawagan ang Panginoon mo kay Moises: "Pumunta ka sa mga taong tagalabag sa katarungan,

:11

ang mga tao ni Paraon. Hindi ba sila nangingilag magkasala?"

:12

Nagsabi ito: "Panginoon ko, tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin.

:13

Maninikip ang dibdib ko at hindi tatatas ang dila ko; kaya magsugo Ka [kay Anghel Gabriel] patungo kay Aaron.

:14

Sa kanila laban sa akin ay may isang pagkakasala, kaya nangangamba ako na patayin nila ako."

:15

Nagsabi Siya: "Aba’y hindi. Kaya pumunta kayong dalawa kalakip ng mga tanda Namin. Tunay na Kami, kasama sa inyo, ay makikinig.

:16

Kaya pumunta kayong dalawa kay Paraon saka magsabi kayong dalawa: Tunay na kami ay sugo ng Panginoon ng mga nilalang,

:17

na ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel."

:18

Nagsabi iyon: "Hindi ba kami nag-alaga sa iyo sa amin noong bata [ka] pa at namalagi ka sa amin mula sa buhay mo nang ilang taon?

:19

Gumawa ka ng kagagawan mo na ginawa mo habang ikaw ay kabilang sa mga tagatangging tumanaw ng utang na loob."

:20

Nagsabi siya: "Nagawa ko iyon nang sandaling iyon habang ako ay kabilang sa mga naliligaw.

:21

Kaya tumalilis ako mula sa inyo noong nangamba ako sa inyo ngunit nagkaloob sa akin ang Panginoon ko ng karunungan at nagtalaga Siya sa akin kabilang sa mga isinugo.

:22

Iyon [ay isang biyayang ipinanunumbat mo sa akin: na nang-alipin ka sa mga anak ni Israel!"

:23

Nagsabi si Paraon: "At ano ang Panginoon ng mga nilalang?"

:24

Nagsabi siya: "Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay naging mga nakatitiyak."

:25

Nagsabi iyon sa nakapaligid doon: "Hindi ba kayo nakikinig?"

:26

Nagsabi siya: "Ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga ninuno ninyong sinauna."

:27

Nagsabi iyon: "Tunay na ang sugo ninyo na isinugo sa inyo ay talagang baliw."

:28

Nagsabi siya: "Ang Panginoon ng silangan at kanluran at anumang nasa pagitan ng dalawang ito, kung kayo ay naging nakapag-uunawa."

:29

Nagsabi iyon: "Talagang kung gumawa ka ng isang diyos na iba pa sa akin ay talagang gagawa nga ako sa iyo kabilang sa mga ibinilanggo."

:30

Nagsabi siya: "Kahit pa ba naghatid ako sa iyo ng isang bagay na malinaw?"

:31

Nagsabi iyon: "Kaya maglahad ka nito kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat."

:32

Kaya pumukol siya ng tungkod niya saka biglang ito ay isang ulupong na malinaw.

:33

Humugot siya ng kamay niya saka biglang ito ay maputi para sa mga tagatingin.

:34

Nagsabi iyon sa konseho sa paligid niyon: "Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na maalam.

:35

Nagnanais siya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway niya; kaya ano ang ipag-uutos ninyo?"

:36

Nagsabi sila: "Mag-antala ka sa kanya at sa kapatid niya at magpadala ka sa mga lungsod ng mga tagakalap,

:37

na magdadala sa iyo ng bawat mapanggaway na maalam."

:38

Kaya tinipon ang mga manggagaway para sa itinakdang oras ng isang araw na nalalaman.

:39

Sinabi sa mga tao: "Kayo kaya ay mga magtitipon?

:40

Nang sa gayon tayo ay susunod sa mga manggagaway kung sila ay magiging ang mga tagapanaig."

:41

Kaya noong dumating na ang mga manggagaway ay nagsabi sila kay Paraon: "Tunay ba na mayroon kami talagang pabuya kung kami ay naging ang mga tagapanaig?"

:42

Nagsabi iyon: "Oo, at tunay na kayo samakatuwid ay talagang kabilang sa mga palalapitin [sa akin]."

:43

Nagsabi sa kanila si Moises: "Pumukol kayo ng anumang kayo ay mga pupukol."

:44

Kaya pumukol sila ng mga lubid nila at mga tungkod nila at nagsabi sila: "Sumpa man sa kapangyarihan ni Paraon, tunay na kami, talagang kami, ay ang mga tagapanaig."

:45

Kaya pumukol si Moises ng tungkod niya saka biglang ito ay lumalamon sa ipinanlilinlang nila.

:46

Kaya napahandusay ang mga manggagaway na mga nakapatirapa.

:47

Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng mga nilalang,

:48

ang Panginoon nina Moises at Aaron."

:49

Nagsabi iyon: "Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo? Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway, kaya talagang malalaman ninyo. Talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang magkabilaan at talagang magbibitin nga ako sa inyo nang magkakasama."

:50

Nagsabi sila: "Walang kapinsalaan; tunay na kami ay sa Panginoon namin mga uuwi.

:51

Tunay na kami ay nagmimithi na magpatawad sa amin ang Panginoon namin sa mga pagkakamali namin dahil kami ay naging una sa mga mananampalataya."

:52

Nagkasi Kami kay Moises: "Maglakbay ka sa gabi kasama ng mga lingkod Ko; tunay na kayo ay mga susundan."

:53

Kaya nagsugo si Paraon sa mga lungsod ng mga tagakalap, [na nagsasabi]:

:54

"Tunay na ang mga ito ay talagang isang kawang kaunti.

:55

Tunay na sila sa atin ay talagang mga nagpapangitngit.

:56

Tunay na tayo ay talagang isang katipunang nag-iingat."

:57

Kaya nagpalabas Kami sa kanila mula sa mga hardin at mga bukal,

:58

at mga kayamanan at pinananatilihang marangal.

:59

Gayon nga, at nagpamana Kami ng mga ito sa mga anak ni Israel.

:60

Kaya sumunod ang mga iyon sa kanila nang sumisikat [ang araw].

:61

Kaya noong nagkakitaan ang dalawang pangkat, nagsabi ang mga kasamahan ni Moises: "Tunay na tayo ay talagang mga maaabutan."

:62

Nagsabi siya: "Aba’y hindi; tunay na kasama sa akin, ang Panginoon ko ay magpapatnubay sa akin."

:63

Kaya nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: "Hampasin mo ng tungkod mo ang dagat." Kaya nabiyak iyon saka ang bawat bahagi ay naging gaya ng bundok na dambuhala.

:64

Nagpalapit Kami roon ng mga iba pa.

:65

Nagligtas Kami kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya nang magkakasama.

:66

Pagkatapos lumunod Kami sa mga iba.

:67

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

:68

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

:69

Bumigkas ka sa kanila ng balita kay Abraham,

:70

noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: "Ano ang sinasamba ninyo?"

:71

Nagsabi sila: "Sumasamba kami sa mga anito saka nananatili kami sa mga ito na mga namimintuho."

:72

Nagsabi siya: "Nakaririnig kaya sila sa inyo kapag dumadalangin kayo?

:73

O nakapagpapakinabang sila sa inyo o nakapipinsala sila?"

:74

Nagsabi sila: "Bagkus nakatagpo kami sa mga magulang namin na gumagawa ng gayon."

:75

Nagsabi siya: "Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa anumang kayo ay dati nang sumasamba:

:76

kayo at ang mga ninuno ninyong pinakanauna?

:77

Tunay na sila ay kaaway para sa akin, maliban sa Panginoon ng mga nilalang,

:78

na lumikha sa akin saka Siya ay nagpapatnubay sa akin;

:79

na Siya ay nagpapakain sa akin at nagpapainom sa akin;

:80

at kapag nagkasakit ako, Siya ay nagpapagaling sa akin;

:81

na magbibigay-kamatayan sa akin, pagkatapos magbibigay-buhay sa akin;

:82

na nagmimithi ako na magpatawad Siya sa akin sa mga kamalian ko sa Araw ng Paggantimpala.

:83

Panginoon ko, magkaloob Ka para sa akin ng karunungan at magsama Ka sa akin sa mga maayos.

:84

Gumawa Ka para sa akin ng isang magandang pagbubunyi sa mga huling [salinlahi].

:85

Gumawa Ka sa akin na kabilang sa mga tagapagmana ng Hardin ng Kaginhawahan.

:86

Magpatawad Ka sa ama ko; tunay na siya noon ay kabilang sa mga ligaw.

:87

Huwag Kang magpahiya sa akin sa araw na bubuhayin sila:

:88

sa Araw na walang makapagpapakinabang na yaman ni mga anak,

:89

maliban sa sinumang pumunta kay Allāh nang may pusong ligtas.

:90

Ilalapit ang Paraiso sa mga tagapangilag magkasala.

:91

Itatanghal ang Impiyerno sa mga nalilisya.

:92

Sasabihin sa kanila: "Nasaan na ang dati ninyong sinasamba

:93

bukod pa kay Allāh? Mag-aadya kaya sila sa inyo o maiaadya sila?

:94

Kaya ibubulid sila nang pasubsob doon: sila at ang mga nalilisya,

:95

at ang mga kawal ni Satanas, na magkakasama.

:96

Magsasabi sila habang sila roon ay nag-aalitan:

:97

"Sumpa man kay Allāh, tunay na kami dati ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw,

:98

noong nagpapantay kami sa inyo sa Panginoon ng mga nilalang.

:99

Walang nagligaw sa amin kundi ang mga salarin.

:100

Kaya walang ukol sa amin na anumang mga tagapamagitan,

:101

ni kaibigang malapit.

:102

Kaya kung sakaling mayroon kaming panunumbalik, kami ay magiging kabilang sa mga mananampalataya.

:103

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

:104

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

:105

Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Noe sa mga isinugo

:106

noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Noe: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

:107

Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

:108

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

:109

Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

:110

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

:111

Nagsabi sila: "Maniniwala ba kami sa iyo samantalang sumunod sa iyo ang mga pinakahamak?"

:112

Nagsabi siya: "At ano ang kaalaman ko sa anumang dati nilang ginagawa?

:113

Walang iba ang pagtutuos sa kanila kundi nasa Panginoon ko, kung sakaling nakararamdam kayo.

:114

Ako ay hindi magtataboy sa mga mananampalataya.

:115

Walang iba ako kundi isang mapagbabalang malinaw."

:116

Nagsabi sila: "Talagang kung hindi ka titigil, O Noe, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga babatuhin."

:117

Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay nagpasinungaling sa akin.

:118

Kaya humusga Ka sa pagitan ko at nila ng isang paghuhusga at magligtas Ka sa akin at sa sinumang kasama sa akin kabilang sa mga mananampalataya."

:119

Kaya nagligtas Kami sa kanya at sinumang kasama sa kanya sa daong na nilulanan.

:120

Pagkatapos nilunod Namin, matapos niyan, ang mga naiiwan.

:121

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

:122

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

:123

Nagpasinungaling ang `Ād sa mga isinugo

:124

noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Hūd: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

:125

Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

:126

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

:127

Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

:128

Nagpapatayo ba kayo sa bawat mataas na pook ng isang tanda habang nagbiru-biro kayo

:129

at gumagawa kayo ng mga muog nang sa gayon kayo ay mananatili?

:130

Kapag dumaluhong kayo ay dumadaluhong kayo gaya ng mga maniniil.

:131

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

:132

Mangilag kayong magkasala sa nagkaloob sa inyo ng nalalaman ninyo.

:133

Nagkaloob sa inyo ng mga hayupan at mga anak,

:134

at ng mga hardin at mga bukal.

:135

Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan.

:136

Nagsabi sila: "Magkatulad sa amin: nangaral ka man o hindi ka naging kabilang sa mga tagapangaral.

:137

Walang iba ito kundi kaugalian ng mga sinauna.

:138

Kami ay hindi mga pagdurusahin."

:139

Kaya nagpasinungaling sila sa kanya saka nagpahamak Kami sa kanila. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

:140

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

:141

Nagpasinungaling ang Thamūd sa mga isinugo

:142

noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Ṣāliḥ: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

:143

Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

:144

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

:145

Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

:146

Iiwanan ba kayo sa anumang narito na mga natitiwasay

:147

sa mga hardin at mga bukal,

:148

at mga pananim at mga punong datiles na ang mga usbong ng mga ito ay malambot?

:149

Umuukit kayo mula sa mga bundok ng mga bahay, nang may kabihasaan.

:150

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

:151

Huwag kayong tumalima sa utos ng mga nagpapakalabis,

:152

na nanggugulo sa lupa at hindi nagsasaayos.

:153

Nagsabi sila: "Ikaw lamang ay kabilang sa mga pinaggagaway.

:154

Walang iba ka kundi isang taong tulad namin kaya maglahad ng isang tanda kung ikaw ay kabilang sa mga tapat."

:155

Nagsabi siya: "Ito ay isang dumalagang kamelyo. Ukol dito ay pag-inom at ukol sa inyo ay pag-inom sa isang araw na nalalaman.

:156

Huwag kayong sumaling dito ng isang kasagwaan para [hindi] kayo daklutin ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan."

:157

Ngunit kinatay nila ito kaya sila ay naging mga nagsisisi.

:158

Kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

:159

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

:160

Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga isinugo

:161

noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Lot: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

:162

Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

:163

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

:164

Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

:165

Pumupunta ba kayo sa mga lalaki ng mga nilalang

:166

at nag-iiwan kayo sa nilikha para sa inyo ng Panginoon ninyo na mga asawa ninyo? Bagkus kayo ay mga taong tagalabag.

:167

Nagsabi sila: "Talagang kung hindi ka titigil, O Lot, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga palilisanin."

:168

Nagsabi siya: "Tunay na ako sa gawain ninyo ay kabilang sa mga nasusuklam.

:169

Panginoon ko, iligtas Mo ako at ang mag-anak ko mula sa ginagawa nila."

:170

Kaya nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya nang magkakasama,

:171

maliban sa isang matandang babae sa mga nagpapaiwan.

:172

Pagkatapos winasak Namin ang mga iba pa.

:173

Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan, saka kay sagwa ang ulan ng mga binalaan.

:174

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

:175

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

:176

Nagpasinungaling ang mga naninirahan sa kasukalan sa mga isinugo

:177

noong nagsabi sa kanila si Shu`ayb: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

:178

Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

:179

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

:180

Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

:181

Maglubus-lubos kayo ng pagtatakal at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagpalugi.

:182

Tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid.

:183

Huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.

:184

Mangilag kayong magkasala sa lumikha sa inyo at mga salinlahing nauna.

:185

Nagsabi sila: "Ikaw ay kabilang sa mga pinaggagaway lamang.

:186

Walang iba ka kundi isang taong tulad naming. Tunay nagpapalagay kami na ikaw ay talagang kabilang sa mga sinungaling.

:187

Kaya magpabagsak ka sa amin ng tipak-tipak mula sa langit kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat."

:188

Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko ay higit maalam sa anumang ginagawa ninyo."

:189

Kaya nagpasinungaling sila sa kanya kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa sa araw ng maitim na ulap. Tunay na iyon ay naging isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan.

:190

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

:191

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

:192

Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang pagbababa ng Panginoon ng mga nilalang.

:193

Bumaba kalakip nito ang Espiritung Mapagkakatiwalaan

:194

sa puso mo upang ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagbabala

:195

sa pamamagitan ng wikang Arabeng malinaw.

:196

Tunay na ito ay talagang nasa mga kalatas ng mga sinauna.

:197

Hindi ba ito para sa kanila naging isang tanda, na makaalam nito ang mga maalam sa mga anak ni Israel?

:198

Kung sakaling nagbaba Kami nito sa isa sa mga dayuhan

:199

saka bumigkas siya nito sa kanila, hindi sila dahil dito magiging mga mananampalataya.

:200

Gayon Kami nagsingit nito sa mga puso ng mga salarin.

:201

Hindi sila sumasampalataya rito hanggang sa makita nila ang pagdurusang masakit.

:202

Kaya pupunta ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.

:203

Kaya magsasabi sila: "Tayo kaya ay mga ipagpapaliban?"

:204

Kaya ba sa pagdurusang dulot Namin ay nagmamadali sila?

:205

Kaya nakita mo ba kung nagpatamasa Kami sa kanila nang ilang taon?

:206

Pagkatapos dumating sa kanila ang dating ipinangangako sa kanila.

:207

Ano ang naidulot para sa kanila ng anumang dating ipinatatamasa sa kanila?

:208

Hindi Kami nagpahamak ng anumang pamayanan malibang habang mayroon itong mga tagapagbabala

:209

bilang paalaala, samantalang hindi Kami naging tagalabag sa katarungan.

:210

Hindi nagbabaan kalakip nito ang mga demonyo.

:211

Hindi ito nararapat para sa kanila at hindi sila nakakakaya.

:212

Tunay na sila buhat sa pagdinig ay talagang mga ibinukod.

:213

Kaya huwag kang dumalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa para ikaw ay [hindi] maging kabilang sa mga pagdurusahin.

:214

Magbabala ka sa angkan mong mga pinakamalalapit na kaanak.

:215

Magbaba ka ng loob mo para sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya.

:216

Ngunit kung sumuway sila sa iyo ay sabihin mo: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ninyo."

:217

Manalig ka sa Makapangyarihan, Maawain,

:218

na nakakikita sa iyo kapag bumabangon ka

:219

at sa paggalaw-galaw sa mga nagpapatirapa.

:220

Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.

:221

Magbabalita kaya Ako sa inyo kung sa kanino nagbababaan ang mga demonyo?

:222

Nagbababaan sila sa bawat manlilinlang na makasalanan,

:223

habang nagpupukol sila ng napakinggan at ang higit na marami sa kanila ay mga sinungaling.

:224

Ang mga manunula ay sumusunod sa kanila ang mga nalilisya.

:225

Hindi mo ba nakita na sila sa bawat larangan ay tumatahak,

:226

at na sila ay nagsasabi ng hindi nila ginagawa,

:227

maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nag-alaala kay Allāh nang madalas, at naiadya nang matapos na labagin sila sa katarungan. Makaaalam ang mga lumabag sa katarungan kung sa aling uwian uuwi sila.