All Islam Library

113 - The Daybreak - Al-Falaq

1

Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway

2

laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya

3

at laban sa kasamaan ng pusikit kapag lumaganap ito,

4

at laban sa kasamaan ng mga babaing [manggagaway na] palaihip sa mga buhol,

5

at laban sa kasamaan ng isang naiinggit kapag naiinggit ito."